Jenny's POV
Pagkabili ko ng puding at softdrinks sa bakery nila Mang Julyo ay agad kong inayos iyon sa kwarto ko at muling bumaba para abangan si Marian sa gate. Gusto ko na kasing magka-ayos kami. Napag-isip isip ko narin naman ang lahat ng nangyari. At alam ko na may mali rin ako. Dahil sa pagkabigo ko kay Steve ay pati ang kaligayahan niya pinipigilan ko. Natatakot lang din kasi ako na mangyari sakanya ang nangyari sakin. Ayaw ko mangyari yun sakanya dahil alam kong hindi niya kakayanin.
Kaya heto ako ngayon, hinihintay ang pag-uwi niya galing trabaho dahil gusto ko na makapag-bonding kami. Nagpaalam muna ko kay mamita na hindi muna ko makakapasok ngayon dahil gusto kong ilaan ang araw ko ngayon saming dalawa ni Marian. Kami nalang dalawa magkakampi dito kaya naman hindi pwedeng mag-away kami ng ganito.
Sa paghihintay ko sakanya sa labas ay merong isang malaking sasakyan ang pumarada sa tapat ng gate namin. Ipinagtaka ko naman iyon dahil walang ganoong kagandang sasakyan ang napapadpad dito sa lugar namin. Sinubukan kong hagipin sa bintana ng sasakyan kung sino ang nasa loob pero hindi rin nagtagal ay lumabas ang driver nito at ang lumabas mula dito ay ang boyfriend ni Marian. Ngumiti ito sakin at tumakbo papunta sa kabilang pinto at binuksan iyon. Si Marian naman ang lumabas mula sa kabilang pinto.
Ngumiti si Marian sa boyfriend niya habang inaalalayan siya nito palapit sakin. Habang pinagmamasdan ko ang mukha ni Marian, naisip ko na ngayon ko lang siya nakitang ganito kasaya. Bukod sa masaya naman siya kapag magkasama kami, iba ang saya ng mukha niya kapag itong boyfriend niya ang kasama niya.
Hay! Inlove na nga ang bestfriend ko. Napangiti ako sa naisip ko.
" B-bessy... " kinakabahang bati sakin ni Marian ng nasa tapat ko na sila.
Ngumiti ako sakanya at bigla ko siyang niyakap. " Bessy, sorry ha? Sorry sa lahat ng sinabi ko. Sorry kung inaway kita. Sorry talaga! Bati na tayo. "
Halatang gulat ngunit nakangiting nakatingin lang sakin si Marian.
" T-talaga ba bessy? Hindi ka na galit sakin? "
Umiling ako. " Hindi na. Naisip ko kasi na hindi ko naman talaga kailangan pigilan ka sa kung ano ang magpapaligaya sayo. Dapat nga ay sinusuportahan kita sa kung ano ang gusto mo. Na dapat hindi kita itulad sa kung ano ang nangyari sakin. "
Hinawakan niya ang dalawang kamay ko. " Naiitindihan kita bessy. Kaya nga hindi ko magawang magalit sayo. Dahil alam kong concern ka lang sakin. At sobrang nagpapasalamat ako dahil don. "
Muli ko siyang niyakap. Sa lahat ng tao, si Marian lang ang tumanggap sakin bilang totoong kaibigan. Siya lang ang taong hindi ako hinusgahan dahil sa trabaho ko. Siya lang ang taong nakakaintindi sakin sa lahat ng problema ko. Kaya hindi ko makakaya kapag nawala siya sa buhay ko.
" Ahem... "
Napabaling naman kami ni Marian sa boyfriend niya.
" I'm so happy that both of you are okay now. " sabi niya.
Ngumiti ako sakanya. " Ikaw ha? Alagaan mo 'tong bestfriend ko. Kapag nalaman kong sinaktan mo siya, kahit saan ka pa magtago, hahanapin talaga kita. "
Ngumiti naman siya sakin at sumaludo na parang sundalo. " Makakaasa ka po, Ms. Jenny. Tulad ng sinabi ko sayo nung una tayong nagkita, gagawin ko ang lahat para hindi masaktan si Yhan-yhan. "
BINABASA MO ANG
Take A Chance (TheWattys2018 Longlist)
Любовные романыPinalayas si Marian De Mesa sa kanilang bahay dahil sa isang pagkakamali na hindi naman siya ang may gawa. Ngayong siya na lang mag-isa, makakaya niya bang mabuhay o may isang taong handang tulungan at mahalin siya?