Harry's POV
" Nandito na tayo. " nakangiting sabi ko sakanya.
Unti-unti niyang minulat ang kanyang mga mata. Nakatulog na naman siya habang nasa biyahe kami paalis ng club.
" Nasaan tayo? B-bakit parang ibang lugar na naman ito? " takang tanong niya.
Tinanggal ko muna ang seatbelt niya at mabilis na nagnakaw ng halik sa kanyang labi. God damn that kissable lips! I can't resist it!
" Nandito tayo ngayon sa condo ko. " sabi ko sakanya.
" Ang dami mo naman pong bahay, Sir Harry. "
Kumunot noo akong tumingin sakanya. " Can you please cut that formality? Harry nalang pwede ba yun? "
" P-pero sir--- "
" Enough! Just call me Harry. After we kissed passionately you can still called me sir? " pagbibiro ko sakanya.
Agad naman siyang napayuko at halatang nahiya. Napangiti naman ako habang tinitignan siya. Napaka-inosente talaga ng kanyang mukha.
Bumaba na kami sa sasakyan at pumasok na sa loob ng condominium. Nasa 4th floor ang condo ko. Pagkarating naman doon ay kita ko sakanyang mukha ang pagka-mangha. Simple lang naman ang itsura ng condo ko. Wala masyadong display dahil ako lang naman ang tumutuloy dito. Siguro kasi ay ngayon lang siya nakapasok sa ganito kaya ganoon nalang ang naging reaksyon niya.
" Ang ganda. " manghang sabi niya.
Ngumiti lang ako sakanya at dumiretso ng kusina. Kinuha ko sa freezer ang isang box na pizza at kaagad na nilagay sa oven.
" What do you want? Juice or wine? " tanong ko sakanya habang palapit siya sa akin.
" Juice nalang po si--Harry. Hindi ako umiinom ng alak. " sagot niya sakin.
Kinuha ko naman ang isang baso at nilagyan iyon ng juice saka binigay sakanya. Maya-maya pa ay naluto na iyong pizza at sinumulan na namin kainin.
" Saan ka nga pala umuuwi, Yhan-yhan? " tanong ko sakanya habang nakain kami ng pizza.
" Sa San Juan. Magkasama kami ni Jhane sa isang maliit na apartment doon. " pormal na sagot niya.
Habang kumakain kami ay marami akong tinanong sakanya. Gusto ko malaman ang lahat sakanya. Gusto ko pa siyang kilalanin ng lubusan.
" You live here alone? Where's your family? " tanong kong muli sakanya.
Agad naman siyang natigil sa pagkain at tinignan ako saglit. Pagkatapos ay uminom ng juice at bumalik sa pagkain. Hinihintay kong sagutin niya ako ngunit parang wala siyang narinig na tanong. Parang iniiwasan niyang sagutin. Minamasdan ko lang siya habang kumakain siya. Hanggang sa napansin niyang nakatingin lang ako sakanya. Siguro ay naramdaman niyang nagtaka ako kaya naman umayos siya ng upo.
" Nasa probinsya ang pamilya ko. Tatay nalang ang meron ako. Yung nanay ko namatay sa isang aksidente. " pagku-kwento niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/46264287-288-k493457.jpg)
BINABASA MO ANG
Take A Chance (TheWattys2018 Longlist)
Roman d'amourPinalayas si Marian De Mesa sa kanilang bahay dahil sa isang pagkakamali na hindi naman siya ang may gawa. Ngayong siya na lang mag-isa, makakaya niya bang mabuhay o may isang taong handang tulungan at mahalin siya?