Chapter 9

38 1 0
                                    

Marian's POV






Unti-unti kong minulat ang aking mga mata ngunit napapikit akong muli ng makaramdam ako ng hapdi sa pagitan ng aking mga binti. Inalala ko iyong nangyari kagabi. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at bakit ako pumayag na gawin namin ni Harry iyon. Umayaw na siya e. Pero bakit pinigilan ko pa? Bakit parang gustong-gusto kong gawin niya iyon sa akin. Hindi ko alam kung ano yung nangyari sakin kagabi. Kakaiba, hindi ko maipaliwanag. Pakiramdam ko ay parang hindi ako yung babae kagabi.







Pero sa kabilang banda, masaya ako. Sobrang saya ko. Dahil kahit pa naisuko ko na ang pinaka-iingatan ko, ay hindi ako nagsisisi. Masaya talaga ako sa nangyari samin kagabi. Iyong mga sinabi niya sakin, hindi ko alam kung totoo pero napatalon nun ang puso ko. At yung huling sinabi niya kagabi pagkatapos namin gawin yun, yun talaga ang hindi mawala sa isip ko.








" I love you my princess. I love you Yhan-yhan. "







Iyon ang paulit-ulit kong naaalala. Iyon ang paulit-ulit sumasagi sa isip ko. Totoo ba yun? Mahal niya na ako? Pero parang mabilis. Parang ang hirap paniwalaan.







Nawala ako sa pag-iisip ng may biglang pumasok. Si Harry na may dala-dalang tray na may lamang mga pagkain.







" Breakfast in bed for my princess. "   masigla at nakangiti niyang sabi.







Ngumiti ako sakanya at umayos ng upo. Dahan-dahan akong umupo sa kama. Medyo masakit parin kasi.







" Still in pain? I'm so sorry. "    sabi niya matapos ilapag ang tray sa harap ko.







" Hindi okay lang ako. Teka, bakit ang dami naman nito? Saluhan mo ako. "    aya ko sakanya.








" Para sayo yan, Yhan-yhan. Gusto ko kasi busog ka. "








Napayuko naman ako sa sinabi niya. Medyo nahihiya kasi ako. Hindi ko alam kung paano ba ako kikilos.







" Wag ka na mahiya. From now on, were couple already. Girlfriend na kita at boyfriend mo na ako. Sorry kung medyo mabilis. Pero I think hindi ko naman na kailangan manligaw pa diba? Afer what we did? "







Napatingin ako sakanya. Sa ganoon lang? Boyfriend ko na siya?







Pero bakit pa ba ako magrereklamo? Kasalanan ko naman dahil ginusto ko iyon. Napansin niya siguro ang pagkalungkot ng mukha ko. Kaya naman hinawakan niya ang mga kamay ko at hinalikan.







" Don't get me wrong, Yhan-yhan. Hindi ibig sabihin na tayo na ng ganon kabilis e hindi na kita rerespituhin at aalagaan. Tulad nga ng sinabi ko sayo kagabi, mahal kita. At pagkatapos ng ginawa natin, ay mas lalo pa kitang mamahalin at aalagaan. Kaya wag mo sana isipin na para sakin, easy to get ka lang. Hindi ganon, Yhan-yhan okay? "    paliwanag niya.








Napangiti naman ako sa sinabi niya. Ibig sabihin, totoo ang lahat ng mga sinabi niya sakin kagabi.







" S-salamat, Harry. Mahal din kita. "    sagot ko sakanya.








Binigyan niya ko ng malawak na ngiti at saka ako hinalikan sa labi. Saglit lang iyon. Pero kahit saglit lang yun, parang ramdam ko kung gaano niya ako pinapahalagahan. Hindi ko alam kung bakit pero masasabi ko na ang saya-saya ko.








Take A Chance (TheWattys2018 Longlist)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon