-1-

7 1 0
                                    

It's been 3 months ng makilala ko si Ram. Pero hindi tulad ng iniisip nyo na nagkabungguan kami kung saan o pinakilala ng kung sino man.

Nakilala ko lang sya sa isang site sa internet. Noong una akala ko hanggang landian lang kami, hanggang sa umabot sa isang usapan. Sa isang malalim na usapan na nakapagbalik sa akin sa katotohanan na may pinapaasa akong tao na tapat na nagmamahal sa isang mapagkunwaring katulad ko.

Oo, masama na kung masama pero hindi ko rin naman inaasahan na aabot sa ganito kalalim na pagmamahal ang kaya kong maramdaman kahit na LDR lang.

I know the consequences. But I'll take the risks for you.

Masyado syang busy this past few days kaya baliktad ang araw at gabi namin. Tulog ako sa umaga, habang siya may klase. At pareho kaming gising pag gabi upang makapag-usap.

Marami siyang sinasabi na plano niya kapag nagkita kami, which is alam ko namang hindi mangyayari.

Tuturuan kita mag ice skating

Kakain tayo ng madaming ice cream

At haharanahin kita sa harap ng maraming tao

Yan ay iba lamang sa mga sinasabi niyang kabaliwan na PLANO niya. Minsan nga napag-uusapan pa namin kung ilang anak ang gusto niya. Odiba? Malakas talaga ang topak nito pero mahal na mahal ko yan.

Madalas akong nakokonsensya sa ginagawa ko kay Ram. Patuloy kong sinasabi sakanya na babalik ako ng Manila para sakanya.

PAASA? Siguro nga sapat na ang salitang yan para ilarawan ang isang tulad ko. Pero gaya nga ng sabi ko kanina, Nagmamahal lang rin ako, natatakot akong maangkin siya ng iba, at natatakot akong mawala siya.

[********************************************]

Greatest Disguise (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon