Chapter 27

299 26 10
                                    

haii!

Gusto ko lang po sabihin na si heaven po ang pumunta sa kwarto nung sinabi ni  edward ang pangalan ni mayi at hindi po si maymay. Typo lang po kasi pati ako excited. Sarreh!

thankie po sa mga nagcomment last chapt! sorna kung matagal di nakapag ud! medyo busy kasi e. nagsimula narin ang pasukan. dyusko!! nakakahilo ang marian!

Heaven's POV

"we need to know kung sino ang mayi na iyun! baka sya ang pakasalan ng prince charming ko!" balisang sabi ni heaven.

kasalukuyang nag-uusap si queen letizia at princess heaven sa living room.

"Why do you worry that  so much dear?"

"Pag may pinakasalan siyang ibang babae. Pano na ako! Tita! I love him!"

"Napakadali lang hanapin ng babaeng yun. Siguraduhin mo lang na malalaman mo lahat ng impormasyon tungkol sa mayi na iyon."

Napaupo nalang si heaven at napabuntong hininga.

"Kailangan mo mahanap si mayi bago sya mahanap ni prince edward." Determinadong sabi ni queen letizia.

~○~○~○~○~○~○~○~○~○~○~○~○~○~○~○~

Ng matapos linisin ni maymay ang basang dinaan nila ni edward ay bumalik sya sa kwarto.

Ng makapunta ito ay kumatok ito sa pinto ni edward.

'Tok tok'

Habang ginagawa nya ito ay bigla nyang naalala ang nangyari kanina.

Yung pandesal!

Niyugyog bigla ni maymay ang ulo nya habang kinakatok parin ang pinto.

"Maymay ang dumi ng utak mo! Hays.!" Napababa bigla ang tingin nya sa lapag habang kumakatok parin.

Di nya namalayan na habang kumakatok sya ay nagbukas na ang pinto. At ang kinakatok nya nalang ay ang noo ni  edward.

"Ahem."

Napatingin bigla si maymay sa itaas at napansin nya na kinakatok nya ang noo ni edward.

Namilog bigla ang mata ni maymay

Agad nyang tinanggal ang kamay nya sa pagkatok.

"Pasensya na po prince edward! Ang lapad po kasi ng noo nyo kaya akala ko--"

"What? Malapad ang noo?" Napataas kilay bigla si edward.

"Ay hindi naman po sa ganun! Pasensya-"

Oh tignan mo ang bastos nagsasalita pa ako e.

"Whatever! Why are you here?"

"Uhm. Prince edward. Ano po. Kasi po. Gusto ko lang po tanungin kung ayos na po ba kayo?"

Di nalang sumagot si edward at napatingin nalang kay maymay.

Nagtaka bigla si maymay ng hindi sumagot si prince edward.

"Uhm. Prince edward?"

Napayugyog nalang ng ulo si edward at napatingin muli kay maymay na blanko ang mukha

"Im fine. Go." Cold na sabi ni edward.

"P-po?"

Di na sumagot si edward at malakas na sinara ang pinto na ikinaatras ni maymay.

"Anong problema ng nilalang nayun?"

Umalis nalang si maymay na hindi parin maintindihan ang nangyari.

Prince of my Dreams (mayward) (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon