"Ina"

532 3 0
                                    

"Ina"

Bata,
Bata, Ako'y nag mamakaawa.
Alam kong ito'y iyong ginagawa,
Itanggi mo man,
Ito pa rin ang kalalabasan.
Tanda mo pa ba kung paano mo sigawan ang iyong ina?
Kung paano mo siya ikinahiya sa iba.
Kung paano mo siya pinagdabugan,
Kung paano mo sya napaiyak.
Sa bawat butil ng kanyang luha,
Katumbas non ang pag guho ng kanyang mundo.
Mundong binuo para sayo.
Alam mo ba ang hirap ng kanyang dinanas?
Makatayo ka lang sa mundong ngayoy iyong ginagalawan?
Siyam na buwan.
Siyam na buwan, sa loob ng kanyang sinapupunan.
Sa loob ng siyam na buwan tila nasa hukay ang kanyang buhay.
Inaalala ang bawat galaw mo,
Iniingatan ang tyan na kinaroroonan mo,
Nililimitahan ang mga gawain para sa yo.
Para sayo...
Salita ng mga ina,
Salita nila para sa anak nila,
Para sayo..
Para sayo lahat ay gagawin nya,
Para sayo, walang mahirap para sa kanya,
Para sayo wala ng mas hihigit pa sayo para sa isang inang katulad nya..
Para sayo lahat ay pabor sa kanya..
Para sayo na sa bawat pag tuturo nya.. Tila ba hindi ka nakikinig.
Ngayon.
Ngayon naiintindihan mo na ba?
Naiintindihan mo na ba kung paano ka nya binuhay?
Kung paano ka nya inalagaan?
Kung paano ka nya iniyakan?
Iniyakan sa paglabas ng kanyang sinapupunan.
Kaya ngayong alam mo na,
Sana naman naintindihan mo na.
Kaya, Bata
Itigil mo na,
Itigil mo na ang pagtatakwil sa iyong ina,
Sa iyong inang inalagaan ka,
Sa iyong inang tinuruan ka,
Sa iyong inang naging una mong guro,
Sa iyong inang minsan mo ng naging doktor,
Sa iyong inang lahat ay ginawa..
Ginawa lahat ng gusto mo.
Kahit pa minsan,
hindi kayo nagkakaintindihan..
Lalo na kapag trese anyos pataas ka na,
Nagsisimula ka ng magkabarkada..
Lumalayo na ang loob mo sa iyong ina..
Kada may gala ang barkada,
At hindi ka pinapayagan ng iyong ina.
Hayaan mo na..
Bakit?
Dahil Mas may alam siya..
Mas may alam siya sa ikabubuti mo..
Kaya ngayon, Ikaw na nagbabasa nito..
Sana gawin mo ito,
Yakapin mo siya,
Kahit sa mga sadaling minuto,
Iparamdan mo sa kanya,
Iparamdam mo sa kanya kung gaano mo siya kamahal..
Bumulong ka..
Ibulong mo ang mga katagang "Ina, Mahal kita"

Spoken Word Poetry Where stories live. Discover now