"Sa iyong paglisan"

348 1 0
                                    

Mahal,
Mahal naalala mo pa ba?
Naalala mo pa ba nubg mga panahong ako'y iyong iniwan?
Mga panahong ako'y luhaan
Luhaan dahil sa iyong masakit na paglisan

Tuwing naalala ko ang araw na yon,
Pakiramdam koy isa lang itong ilusyon,
Ilusyon na kailangan kong takasan,
Takasan upang ika'y aking maabutan

Nung mga oras na tinawagan mo ako,
Para makipagkita sayo
Alam mo iba na ang pakiramdam ko
Pero di ko iyon ininda,
Kase alam kong mahal mo ako

Nung dumating tayo sa ating pagkikitaan,
Lungkot sayong mga mata aking natagpuan,
Hindi ko alam kung isa itong imahinasyon
O ilusyon

Sa bawat hakbang mo papalapit sakin
Ramdam ko ang bigat ng pakiramdam mo
Nang makalapit ka, Niyakap mo ako
Niyakap mo ako ng mahigpit hinalikan sa noo
Sabay sabi ng mga katagang
Mahal, Mahal na mahal kita, patawad.

Kasabay ng katagang napakasakit
Ay abg kasabay ng iyong paglisan sa aking harapan
Pilit kitang hinahabol,
Pero tila ba ako'y nakatali

Dumating ang mga panahong muli tayong nagkita,
Pero ni isang salita walang akong masabi,
Dahil sa aking pagkasabik
Pero masakit,

Masakit dahil naaalala ko ang iyong paglisan,
Pero mas masakit na nasa harapan kita na may ibang kayakapan..

Mahal, Mahal hanggang sa muli..

Spoken Word Poetry Where stories live. Discover now