Mahal,
Mahal alam mo,
Alam mo sa bawat silay ko sayo
Mula sa likod natatanaw ko ay kayo,Kayo,
Kayo na masaya,
Kayo na nagkukulitan,
Kayo na kita ko ang tuwa sa mga mata,Alam mo ako'y naiiis,
Dahil sa aking pag ka miss,
Pag ka miss sa ating ala ala
Ala alang dapat ng kalimutan,
Kalimutan sa paglipas ng buwan..Tuwing ako ay titingin sa gawi mo,
Ang nakikita ko ay ang ngiti mo,
Ngiting nakasilay ang saya,
Ngiting dati'y para sa akin,
Ngayo'y para sa kanya na..Ganoon nalang ba talaga yon?
Akala ko ay tatagal tayo,
Akala ko ay hanggang sa huli, akin ang pagmamahal mo..Akala ko walang sagabal sa ating realsyong binuo,
Alam mo lahat ng iyon, ay hanggang ala ala nalang pala..
Pangarap nating dalwa para sa isat isa tila naging bula..Mahal,
Mahal alam mo minsan,
Sa bawat silay ko, tila ba nagluluha ang aking mga mata,
Pero akin itong pinipigilan hanggat makakaya.Ayokong ipakita sayong nasasaktan ako
Dahil ayokong maka abala sa inyo
Hindi ko sigurado kung mahal mo siya,
Pero tingin ko palang sa iyong mga mata,Alam ko na,
Alam kong may pag tingin ka sa kanya,
Pero di ka sigurado dahil may laman pa ang puso mong iba,Mahal,
Mahal iniisip ko na sana iyon ay ako,
Ako na nagiisang nilalaman ng puso mo,
Ako na mahal mo,
At ako na habang buhay ay sayo..Hanggang dito nalang ba tayo?
Hanggang silay nalang ba ako sayo?
Kung panaginip lang ito,
Hinihiling kong matapos na ito..
Dahil di kita kayang makitang masaya kasama ng iba..

YOU ARE READING
Spoken Word Poetry
PoetryThis is how I express my feelings, Although I can't say it or express it perfectly, but atleast I tried my best to write it.