"Di marunong makuntento"

370 1 0
                                    

"Di marunong makuntento"
(April 2, 2017)

Ginawa ko tong piece na to para sa mga taong nasasaktan kasi sa tingin nila may iba na yung taong mahal nila.

Gaano ba kahirap ang magmahal ng isa lang?
Kailangan ba talagang dalawa,o tatlo,o apat?
Ang pagmamahal ay di pagbibilang ng numero
Mahal...
Isa.. dalawa.. tatlo..
Hindi ako nagbibilang para makipaglaro sayo
Katulad ng pagbibilang sa tagu taguan
Dahil hindi ako nakikipagtagu taguan sa ilalim ng buwan
Nagbibilang ako ng babae mo
Nagbibilang ako ng hinanakit ko
Nagbibilang ako kung ilang beses mo na akong niloko
Nagbibilang ako kahit hindi na mabilang sa daliri ko
Nagbibilang ako dahil kahit ilang ulit mo pa akong saktan,
paulit ulit akong bumabalik sayo
Mahal, alam kong may mas mahalaga pa kesa ako
Alam kong hindi pa ako sapat
Alam kong mas magaling sila
Alam kong mas importante sila
Ngunit mahal, mas mahal kita kesa sa mahal ka nila
Kung bibigyan ako ng pagkakataon na balikan ang nakaraan
Mahal,kung inaakala mo
Na ang pagibig ko ay magbabago
Oo tama ka, hindi na kita babalikan
Lalampasan kita at aayaw ako sayo
Mabalik tayo sa ngayon,
Mahal, masaya ka pa ba?
Kasi masaya ako sayo
Masaya ako kahit ayaw mo na sakin
Masaya ako kahit ang sakit na
Sabi kasi nila,lagyan mo daw ng tawa yung chat mo para di awkward Mahal kita hahahaha
Ang sakit na hahahaha
Iiwanan mo na ba ako? Hahahaha
Hahahaha,salitang ginagamit para tumawa
ginagamit din para mapagtakpan ang kalungkutang ayaw mong ipakita Mahal,gusto kong magtampo
Gusto kong magalit
Gusto kong mainis
Gusto kong suyuin mo ko!
Gusto kong akin ka lang!
Pero wala akong karapatan!
Wala akong karapatan
Dahil walang tayo!
Walang tayo ,
walang ikaw at ako!
Ang meron lang ay ang pangalan mo at pangalan kong magkahiwalay
Kung pwede nga lang
Na sa bawat hindi ay ang oo mo
Na sa bawat mali ay ang tama
Na sa bawat ayaw ay gusto
Na sa bawat ako ay may ikaw
Ngunit teka,
Paano nga ba nagsimula at nagtapos?
Paano magtatapos ang isang bagay na di napagbigyang magumpisa?
Pen pen desarapen minahal mo na kulang pa din
Mahal pasensya kung mahal pa din kita kahit hindi na ako
Dahil ikaw pa din.. ikaw lang..
Ikaw lang pero ang sakit na
Ikaw lang pero di ko na kaya
Patawarin mo ako,kasi ayoko na
Sinabi kong kakapit ako
Kakapit ako para magtagal tayo
Mas iintindihin pa kita
Sa twing tinutulugan mo ako
Ng paulit ulit at saka babalik
Iintindihin kita pagod ka lang
Sa twing mas masaya ka pa sa iba
Kesa sa pag kasama mo ako
Iintindihin kita, kaibigan mo lang
Sa twing may kachat kang iba
Na kaya matagal ka na magreply dahil nirereplyan mo pa sila Iintindihin kita, ayaw mo lang silang hindi pansinin
Sa twing mas malapit ka pa sa iba kesa sa akin
Kasi mas kaclose mo sila at mas napasasaya ka nila
Iintindihin kita, matagal na kasi kayong magkakilala
Ngunit hanggang kailan?
Hanggang kailan ang pang intindi ko?
Hindi ko na kaya
Pero gusto ko pa
Gusto pa kita
Hindi pa kita kayang bitawan
Ikaw pa rin
Ikaw at ikaw lang...
Kahit gusto kong magalit..
Hindi ko magawang magalit dahil mahal kita
Naiintidihan mo ba yon?
Mahal kita!
Mahal na mahal kita!
Ilang ulit ko pa ba uulitin yun?
Ilang ulit pa bago ako umayaw?
Isa..Dalawa..Tatlo..­
Ayoko na
Pinapalaya na kita
Malaya ka na
Patawad. Patawad kung mas pipiliin kong palayain ka kesa ang ipagpatuloy pa Patawad kung hahayaan na kita sa iba kaysa manatili sa akin
Hinahanap ko pa rin ang mga pangako mong magtatagal tayo
Ang mga saad mong ako lang sapat na
Ang bawat bigkas mo ng mahal kita at i love you
Ngunit, ang sakit na talaga
Patawad dahil ayoko na..
Ngunit sa huling pagkakataon,
Mahal.. mahal na mahal kita

Spoken Word Poetry Where stories live. Discover now