"Manloloko, Ito ang ala ala nating nabuo"
Alam mo, ako'y napapaisip,
Napapaisip kung bakit ikaw nilalaman ng aking puso't isip,
Puso ko na sinisigaw ang pangalan mo
At isip kong nilalaro ang itsura mo
Sabi nila wag na wag raw akong iibig sa isang tulad mo,
Tulad mong manloloko
Tulad mong hindi marunong magseryoso,
Tulad mong handang saktan ang damdamin ng sinuman
Tulad mo aking mahal,
Oo mahal, dahil napagtanto ko na ikay iniibig na pala ng puso ko.
Mahal, gusto kong sabihin at ipaalala sayo,
Ipaalala ang ala ala nating nabuo
Ala alang kailanman hindi na mababalikan
Ala alang aking pinakaiingatan
Ala alang dapat ng kalimutan,
Mahal, naalala mo ba nung una tayong magkita?
Pagkikitang hindi naman sinasadya
Wala akong kaalam alam na yun na pala ang simula,
Simula ng araw na nabihag mo ang puso ko
Simula na nagbago ang ikot ng mundo ko
Simula nahina hanap hanap kita
At simulang hindi ko kailanman malilimutan
Tayo'y nagsimula gaya ng iba,
Nagsimula tayo sa pagkakaibigan
Nagsimula na tayong mag asaran
Nagsimula na tayong magkaron ng karanasan
Nagsimula na tayong magibigan.
Mag ibigan,
Salitang tumatak sa aking isipan,
Alam mo, hindi ko alam na aabot tayo sa puntong ito
Kung noon tayoy nagkakahiyaan
Ngunit ngayon nagagawa ko ng umutot sa iyong harapan
Habang ako ay iyong tinatawanan
Dumating ang mga panahong lumalim ang ating pagtitinginan,
Humantong sa puntong tayoy tinawag na MU ng klase
Alam mo mahal, sobrang saya ko dahil ikaw ang inibig ko
Hindi ako naniwala sa sinasabi nila tungkol sayo,
Hindi ako naniwala na paglalaruan mo ako
Hindi ako naniwala na isa kang manloloko
Dahil nasa isip kong iba ka sa iba
Makalipas ang ilang araw at linggo
Napapansin kong ikay nagbabago
Napapansin ko na iba na ang iyong pakikitungo
Napapansin ko na umiiwas ka
Mahal?
Ano na?
Akala ko ba walang iwanan
Pero bakot ikaw ay bumitaw?
Asan na ang iyong mga pangako?
Tuluyan na nga ba itong napako?
Mahal..
Akoy nanghihina dahil akoy iyong pinaniwala
Sinabi ko sa sarili ko na ikay kakalimutan ko
Iisipin kong kailanman wala akong naramdaman sayo
Lahat ng ala ala natin ay ibabaon ko sa limot.
Pero bakit ganon?
Hindi ko magawang kalimutan ka
Hindi ko magawang kalimutan ang ating ala ala
Hindi ko magawang umibig ng iba
Dahil nalaman kong ikaw parin pala
Ikaw parin ang nilalama at tinitibok ng puso ko
Kaya mahal, ayos na ako
Kahit ganito tayo
Pero tandaan mo nandito lang alo
Nag papakatanga at nagpapaka martyr sayo

YOU ARE READING
Spoken Word Poetry
PoetryThis is how I express my feelings, Although I can't say it or express it perfectly, but atleast I tried my best to write it.