"Mahal, Nandito pa ako"

279 3 0
                                    

"Mahal, nandito pa ako"

Mahal,
Mahal kamusta ka na?
Mahal, masaya ka ba sa kanya?
Sa tingin ko naman tila napakasaya mo
Napakasaya mo, sa piling ng kasama mo
Alam mo ba, minsan naaalala ko,
Naaalala ko ang mga masasaya nating kwento,
Kwentong sinimulan mo, at ako, tayo.
Ngunit kanlaunan lahat ay naglaho
Naglahong parang bula.
Mahal,
Naaalala mo pa ba?
Naaalala mo pa ba, nung mga oras na magkasama tayong dalawa?
Naaalala mo pa ba, nung mga oras na mahal pa natin ang isat ida
Naaalala mo pa ba, yung mga panahong sinabi mong mahal mo ako,
Ang salitang iyon, ang pinanghawakan ko,
Mahal,
Sana lahat ng ala ala nating dalawa ay kalimutan mo na,
Ito ay para sa ikabubuti nating dalawa.
Alam mo mahal,
Kung sakaling iwan ka nya,
Nandito pa ako,
Nandito pa ako at nagpapaka desperada para sayo
Nandito pa ako na nagmamahal sayo.
Nandito pa ako na laging nasa tabi mo
Nandito pa ako para sayo.
Sana balang araw matutunan mong mahalin ako

Spoken Word Poetry Where stories live. Discover now