"Mahal Ko"

318 1 0
                                    

"MAHAL KO"

Mahal kita, sobrang mahal kita hindi yun matutumbasan ng kahit ano pa,
Hindi ko maipaliwanag ang nadarama kapag kasama kita, ako ay sobrang saya, sobra pa sa sobra.

Hindi ko alam kung paano ko uumpisahan ang piyesang ito pero sige, magkekwento nalang ako ng mga alala natin.

Uumpisahan ko noong tayo'y nagkakilala, nagpapasalamat ako sa may kapal dahil ikaw ay ibinigay niya, sobrang saya ko noong dumating ka.

Simula nung nag-usap tayo ako'y kinikilig ewan ko kung bakit ang bilis ng tibok ng aking dibdib, hindi ko maipaliwanag ang kaniyang pintig, pintig ng aking puso, dahil sa wakas ay kinausap at napansin mo na ako.

At araw araw mong ginagawa sa akin na ako ay iyong pasiyahin, sobrang bilis ng panahon akala ko dati di mo na ako mapapansin, halos 2 taon na kitang hinahangaan at umaasa na balang araw ay magiging pareho ang ating nararamdaman, tignan mo nga naman at eto na tayo ngayon.

Hindi ko malilimutan noong panahon na ako pa ay iyong nililigawan, pumayag ako dahil matagal na kitang hinahangaan, at sino ba naman ako para tumanggi sa isang gwapong nilalang, at sabi nga nila'y crush ng bayan.

Hindi ko namamalayan sa dalawang buwan mong panliligaw ay sobra na kitang minahal, dahil sa sobrang pagmamahal, sobra rin akong nasasaktan, nasasaktan ako kapag ako ay binabalewala mo mahal, nasasaktan ako dahil wala kang sapat na oras para sa akin, at hindi mo rin ako mabigyan ng sapat na atensyon.

Ayokong dumating sa punto na maghihiwalay tayo, dahil hindi ko kakayanin. Di ko kakayanin ang mga pagsubok na darating, at hindi ko rin makita ang sarili kong may ibang kapiling, kaya't binalewala ko at inintindi  kahit na masakit ito sa aking piling.

Pero ito ay isang kwento nalang, Oo kwento nalang ang lahat ng ito, bakit mo nagawang isuko ang isang tulad ko? mahal, bakit mo ako iniwan ng ganito?

Mahal, ay hindi pala mahal kasi hindi mo ko mahal dapat ganun din ako! Kakapalan ko na ang muka ko, gusto kong humingi ng tawad sa ano mang kasalanan ko sayo, pati na din sa mga pagkukulang ko, na hindi ko alam kung ano.

Oo mahal parin kita, sa sobrang tagal na ng panahon alam kong may mahal ka ng iba, pero sana alagaan ka nya ng katulad ng pagmamahal na inalay ko sayo kahit ako ay binalewala mo.

Kahit masakit tatanggapin ko, tanggap ko na hanggang tingin nalang ako sayo, kahit masakit titiisin ko , titiisin ko lahat ng sakit na pinadarama mo, dahil ganoon kita kamahal irog ko.

Bago matapos itong tulang ito, gusto ko lang sabihin sa iyo ang salitang paalam, paalam sa ating mga pinagsamahan,sa pag-bati sa pag-ngiti, sa kaunting sandali na tayo'y nagmahalan, siguro nga'y masiyado pa tayong bata,mga batang walang pake alam at muwang.

Patawad sa paglayo at salamat sa paglapit , Patawad sa pait at salamat sa tamis, mahal gusto ko lang na patawarin mo ako at patatawarin din kita, para mapalaya na kita, palayain mo  na din ako.

Sana magustuhan mo itong tula na isinulat ko sayo, wag ka sana magtanim ng galit sa puso mo , kasi dito ko lang nilalabas ang mga hinanakit sa puso ko dahil sa pangiiwan mo, Mahal, nais kong malaman mo, minahal at mahal pa din kita yun ang totoo, kahit na sa una pa lang ay hindi nagkaroon ng salitang "tayo", handa pa rin kitang tanggapin kung sino ka pa, mahal kapag siya ay sumuko na, lagi mong tatandaan nandito pa ako naghihintay sayo, at umaasa na babalik pa ang dating tayo, sa huling sandali, aki'y muli'y sasabihin, Oh irog ko, ika'y mahal ko pa din, kahit nakasara na ang libro ng pagiibigan natin, hindi pa rin magbabago ang aking pagtingin at damdamin. aking irog, Ika'y mahal ko pa din.

Spoken Word Poetry Where stories live. Discover now