"Sa panahong Tayo, Mayroon din palang kayo."

162 1 0
                                    

"Sa panahong tayo, Mayroon din palang kayo."

Mahal, paano?
Paano mo nagawa sa akin to?
Paano naging kayo sa mga panahong mayroon pang tayo?
Mahal, bakit tayo nag kaganito?

Wala eh, mahal pa rin kita.
Kay sarap balik balikan ng ating mga ala ala
Noong mga panahong may 'tayo pa'
Mga panahong Wala pa 'siya'

At ang tanging mayroon lang ay ang tayong dalawa,
Tayo na masaya,
Tayo na buong araw magkasama
Na tila ba bitin pa din,

Na nawawalan na ng silbi ang mga orasan,
Sa bawat araw na tayo'y magkasama,
Sa yakap ng iyong mga braso,
Na nagsasabing ako'y ligtas sa piling mo.

Pero mahal,
Isa akong tanga,
Isa akong tanga na minahal ka,
Isa akong tanga dahil minahal kita

Naaalala ko pa,
Noong mga panahong magkasama tayong dalawa,
Yung ako ang kasama mo, pero lumilipad ang isip mo,
Yung ako ang yakap mo, Pero ibang katauhan pala ako sa mga mata ko,
Yung ako ang kasama mo, Pero siya ang nasa isip mo

Akala ko ako lang,
Akala ko tayo lang,
Yun pala meron ng siya,
Meron ng siya na umeksena

Binalewala ko yon mahal,
Binalewala ko kasi alam kong ako ang iyong mahal,
Na baka kaibigan mo lang siya,
Na ako at ako parin ang nasa puso mo

Pero nagkamali ako,
Sa sobrang pagtitiwala ko sayo,
Hindi ko alam na sa mga panahong 'May roong tayo'
Ay mayroong ding kayo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 16, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Spoken Word Poetry Where stories live. Discover now