Paalam
Kay bilis ng panahon, parang kalian lang Noon sinalubong ang HighSchool na para tayong mga bagong silang
Pumasok tayong mga walang muwang Ngayon lalabas tayong mga mukhang buang
Sa Supplier ng papel akoy nagpapasalamat
Sa tagarasyon ng sagot ikaw ay isang alamat Totoo ngang High School Life ay kay sarap Ngunit kailangan maghiwawalay para sa kanya kanyang pangarapIbat bang grupo ang ating binuo
Ngunit sa bandang huli lalabas tayong pamilyang buo
Sa loob ng klasroom,ibat ibang palabas ang nagaganap
Ngayong aking ilalahad mga di malilimutang eksenang naganapNaandyan ang Singer, na wala ng ginawa kung hindi ang bumirit
Naandyan rin ang mga tsimosa, mga tsimis kanya kanyang hirit
Mga dancer, na laging sa harap ay gumigiling Meron rin namang mga pabebeng, wala ng ginawa kundi ang umiling
Kinaiinisan nating lahat ang mga kaklase nating sipsip
Daig pa ang lamok sa ginagawang pagsipsip Meron rin naming mga unggoy na bully
At ang mga walang reaksyon at nagpapabullyHigit sa lahat ang mga kaklase nating komedyante
Na aakalaing mong mga hindi studyante
Sa kabila ng ating mga pagkakaiba
Ngunit turingan di na magkakaibaMagkakapatid tayo sa ibat ibang Amat Ina Magkakaibigan sa oras ng panghihina
Magkakalase sa mga kalokohan Magkakasama sa mga kabaliwanPara naman sayo aking mahal,
Naalala ko ng Magkita tayo ng Hindi inaasahan
Hindi ko alam pero muling huminto ang orasan
Bumalik ang mga aka ala
Kung paano nga ba natin ito sinimulan
Ngunit di nagtagal itoy nabigyang katapusanMahal, naalala ko nung unang beses tayong magkita,
Pagkikitang Di naman talaga sinasadya
Pagkikitang doon pala ang simula,
Ikaw ako, tayo
Hindi ko alam ang nararamdaman ko as tuwing kasama kita
Naalala ko ng sinambit mo ang mga katagang mahal kita
Na ngayoy sinasabi mo na sa iba,
Aking Mahal bakit ka nagkaganyan?
Mahal akala koy di mo ako pababayaan?
Hindi ko akalain na aabot tayo sa puntong di na mapaguusapan
Siguro nga hanggang dito nalang.Dito na nga matatapos
Tuluyan na ngang tayong magtatapos
Akin munang sasambitin bago tayo magtapos
Ala ala natin kailanman ay hindi matataposAng paalam ay hindi isang salitang pangkatapusan
Ang paalam ay patunay na ikay tagumpay at babalik sa tamang panahon
Ang paalam ay hindi salita para sa pagalis ng walang dahilan
Ang paalam ay ang hagdan tungo sa kinabukasanSalamat,
Salamat aking kamagaral sa mga oras na akoy nangangaliangan ng tunay na kaibigan
Salamat, sa inyong pagintindi sa tulad ko.
Salamat, salamat sa lahatNgunit Hindi dito nagwawakas ang ating kwento
Kwento natin na pwedeng dugtungan kahit kailan
Dugtungan sa muling pagkikita
Sa mga panahong tayoy tagumpay na
Muling pagkikita sa ating paglalakbay
Paglalakbay na para sa ating pangarap
Pangarap na para sa atin
Sa atin na magsisipagtapos
Palitan natin ang salitang paalam ng samuling pagkikita aking mga gurot kamag AralHanggang sa muling pagkikita..
YOU ARE READING
Spoken Word Poetry
PoetryThis is how I express my feelings, Although I can't say it or express it perfectly, but atleast I tried my best to write it.