"Alam mo ba?, Sa tingin mo ba?"
Alam mo ba na mahal na mahal kita?
Kaso alam kong hindi tayo pedeng dalawa.
Alam mo ba kung bakit?
Dahil mas mahal ka pa nya.
Mas mahal ka pa ng kaibigan ko.
Oo kaibigan ko.
Kaya nga magpaparaya nalang ako.
Sana maging masaya kayo.
Kahit masakit tatanggapin ko
Dahil mahal ko kayo pareho.
Kahit na gustong gusto kita,
Ito'y tila akin paring ikanakaila.
Ikinakaila, sa di malamang dahilan.
Siguro nga ako'y naguguluhan
Mahal,
Mahal sa tingin mo ba?
Sa tingin mo ba kung hindi ako nagparaya
Magiging tayo kaya?
Mahal sa tingin mo ba, kung mas pinili ko ang kaligayahan ko,
Sasaya kaya ako sayo?
Mahal,
Sa mga oras na ito.
Sa mga oras na ito ayun ang mga katanungan sa isip ko..
Mahal, sa huling pagkakataon,
Tatanugin kita
Mahal,
Alam mo ba? Sa tingin mo ba?

YOU ARE READING
Spoken Word Poetry
PuisiThis is how I express my feelings, Although I can't say it or express it perfectly, but atleast I tried my best to write it.