Tula Para Saiyo

49 9 0
                                    

Huwag mo ng itago,Kilala kita
Alam ko masaya ka kapag kasama mo siya
Di mo man sabihin kita saiyong mga mata
Di man aminin alam kung mahal mo siya

Masaktan ka man niya
Siya parin ang iyong sinisinta
Damdamin mo'y kanyang pinaglalaruan
Patuloy mo parin ipinaglalaban

Kahit paulit ulit kanyang saktan
Puso mo'y siya parin ang laman
Kung ika'y iniwan na niya
At wala ka ng masasandalan pa

Wag kang magalala,Di ka magiisa.
Kasama mo ako iiwan ka man niya
Tutulungan kitang maging masaya
Kahit alam ko kaligayahan mo'y sakanya.

Ginagawa ko to dahil Mahal na mahal kita,
Kahit alam kung mahal mo siya.
Walang magbabago sating dalawa.
Kahit alam ko na siya ang mahal mo at hindi ako sinta.

Tula.lalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon