Kanta ni ed sheeran para sakanyang lola
Nungit ibang iba kung ito'y aking kinakanta
Lungkot ng kahapon laging nadarama
Ika'y aking naalala sa bawat linya.Pinipigilan ang pagpatak ng aking mga luha
Habang kinakanta tuwing gabing mag isa
Bumabalik ang mga masasayang alala
Ngumi-ngiti ng mapait sa alalang di maibabalikIbinaon mo ang pangarap nating binuo
Pangarap na ako nalang pala bumubuo sa malayo
Lumayo ako sapagkat nag aral ng husto
Upang maabot ang pangarap nating binuo.Kada linggo umuuwi ako
Sapagkat alam kong nangungulila ka sa alaga ko
Hindi ko alam na may iba na palang nag aalaga sayo
Sa bawat pag alis ko ay siyang pag dating ng bago mo.Ikaw naging takbuhan ko pag nasisira ang pamilya ko
Ngayon ikaw rin pala ang sisira sa sarili ko
Ikaw ang rason kung bakit ako nag sipag ng ganito
Alam mo rin kung anong hirap ang dinanas ko sa pamilya ko.Ngayon wala kana saan na ako pupunta
Mga barkada ko'y busy sa kanilang mga jowa
Ako'y mag isa lalaban pa ba?
Ngunit yung lakas na sayo ko kinukuha ay nawala na sabay ng iyong pagsama sakanya.
BINABASA MO ANG
Tula.lala
PoetryMga Koleksyon ng mga tula na may Hugot tungkol sa pagibig,Kaibigan,Realidad at Karanasan