𝓐𝚕𝚞𝚖𝚗𝚒 𝓗𝚘𝚖𝚎𝚌𝚘𝚖𝚒𝚗𝚐

4 2 0
                                    

Isa sa kanta ng ating paborintong banda
Sakto at tugma sating dalawa
Dahil noong highschool tayo unang nagkakilala
Isa ka sa mga player ng dota
Habang ako ay puro barkada ang ginagawa

Sa isang chat mo ay don tayo nag kakilala
At sa paglipas ng panahon bigla nalang tayo nagsama
Habang tumatagal ay naging malapit tayong dalawa
Sa hapon sinisigurado mong hindi ako magcucutting kasama ang tropa
Sa uwian naman matyaga kang naghihintay sakin
Binabagalan ang lakad upang tumagal ang pagsasama

Ang saya natin kung tutuusin
Ngunit ngayon humihingi ng paumanhin
Sa mga nangyari di ko man lang napansin
Sana'y mapatawad mo ako sa nangyari satin
Muntik na masira ang pagkakaibigan natin

Paglipas ng mahabang panahon
Muli tayong nagkausap ngayong taon
Nagpapasalamat ako sa lahat ng iyong binigay
Ngunit kahit anong pilit ay hindi tayo bagay
Ang sakin nalang ay pagkakaibigan natin ay matibay

Salamat sa pag ibig na inalay
At sa panahon na ika'y naghintay
Pasensiya na kung kaibigan lang ang aking naibigay
Ngnuit ang pinagdarasal ko ay ika'y magtagumpay
Sa kung anong gusto mong gawin sayong buhay

Tula.lalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon