Sa loob ng lumang emprastraktura,
May tinatago ka palang ganda,
Sarili'y Hindi makapaniwala,
Sapagkat napanatili mo ang pilipinong kultura.Ang inyong ginawa sa pasyalan,
Ay naibabalik tayo sa nakaraan,
Naalala ang mga espanyol na sumakop sa ating bayan.
Tatlong daan at tatlong put tatlong taon na ang nakakaraan.Sa pagsakop nila satin sa ating bayan
Iba ang hirap na ating naramdaman
Katahimikan ay napalitan ng patayan
Tayo'y pumatay maipagtanggol lang ang ating inang bayan.Ngunit dahil sa pasyalan na inyong ginawa
Mababalik balikan ang alaala
Hindi ang masasama
Ngunit ang naging buhay ng ating mga sinaunaMakikita mo dito sa La Casa
Ang kagandahan noong sinauna
Kaya bataan humanda ka
Pagkatapos ng pandemiya ay pupuntahan kita
BINABASA MO ANG
Tula.lala
PoetryMga Koleksyon ng mga tula na may Hugot tungkol sa pagibig,Kaibigan,Realidad at Karanasan