Tatawagin kitang magikero
Dahil kaliwa o kanan man piliin ko
Ikaw parin ang panalo
Sa sumbrero mo kayang ilabas ang kuneho
Parang puso ko na dati'y bato
Nailabas mo ang tunay na ako.Sa pagbalasa ng braha mo
Sa paghula kung tama ba ito
Itinatanong ko din kung mahal mo ba ako
O ginagawa mo lang tong isa sa mga mahika mo
Upang mauto at masanay sayo
Tas bigla kang malalaho kasabay ng pagsara ng entablado
![](https://img.wattpad.com/cover/113072767-288-k37097.jpg)
BINABASA MO ANG
Tula.lala
PoetryMga Koleksyon ng mga tula na may Hugot tungkol sa pagibig,Kaibigan,Realidad at Karanasan