𝓛𝚊𝚝𝚒𝚗𝚊

6 1 0
                                    

Kinanta ng isang rapper na mang aawit
At talagang awit
Kasi akala mo hindi ka kabit
Nadala ka sa kanyang pang aakit

Matatamis na salitang biglang pumait
Dating kilig napalitan ng bwisit
Biglang dumaloy ang luha at napapikit
Di masabi kung gaano kasakit ang nasapit

Ang inakalang gwapo at mabait
Siya pala ang sisira saiyong bait
Siya pala ay isang lalaking mapang-akit
At pag nakakita ng maganda ay ika'y ipagpapalit

Naging Latina ang tawag sayo ng mga tao
Sapagkat tatawagan ka lang kapag wala na ang totoo
Lahat ng mga lakad niyo patago
Para hindi malaman ng jowa nito.

Al James isa kang matalino
Naka gawa ka ng kanta para sa mga taong ganto
Nagbabayad sa tuwing magkikita kayo
Hindi ko sinasabing lahat ng babae ganito.

Pero may kakilala lang ako
Tinatawagan pag wala na ang totoo
Sa tuwing ganto may iphone X na pag uwi nito
Sabi nga sa isang linya ng kanta bibigyan nila kita kahit ilan ang gusto.



Tula.lalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon