𝓟erpektong 𝓟amilya

10 1 0
                                    

Isang pamilya
Ang nilikha ng isang ama at ina
Kung titignan ay sila ang pinaka masaya
Kung iisipin sila'y isang perpektong pamilya

Ngunit sa hindi inaakala
Pagwala ng taong makakakita
Nag iiba ang perpektong pamilya
Ang inaakala nating masaya may itinatago pala

Puro away at mga bahid ng pananakit ay nakikita
Ang batang walang ginawa punong puno ng pasa
Ginawa ang lahat upang pasayahin ang ama't ina
Ngunit ito'y lahat binalewa nila

Isang honor ang anak nila
Ngunit ang gusto nila'y siya ang nangunguna
Sa tuwing siya'y pumapangalawa sa eskwela
Panlalait at pananakit ang natatanggap sa kanyang ama't ina

Ang laging sinasabi ay hindi katulad niya ang anak na gusto nila
Ngunit hindi nagpatinag ang anak nila
Ngunit sa kasamaang palad siya'y pumangalawa

Ginawa ang lahat ng makakaya
Magulang na aking minamahal bat niyo ako nasasaktan
Panlalait at pasa ang aking nakuha
Kahit ginawa ko ang aking makakaya

Sa huling sandali walang tumulong sakanya
Napagtanto na hindi siya magiging sapat sakanila
At sa huli ay kumuha ng lubid at sinabi pasensiya na
Pasensiya na kayo ma, pa sapagkat hindi ko na kaya

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 13, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tula.lalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon