𝓓𝚊𝚕𝚊𝚠𝚊𝚗𝚐 𝓓𝚊𝚊𝚗𝚊𝚗

8 2 0
                                    

Dalawang daanan para sa dalawang tao
Sapagkat magkaibang tao ay nalilito
Ang isa ay napakatalino
Habang ang isa ay sumasakto

Sa daang maganda ang itinahak ng nauna
Habang ang isa ay nagpapakahirap na siya'y sundan
Magulang labis ang saya sa nauna
Habang ang kapatid niya'y sinisi sa kanyang kapabayaan.

Pinilit tahakin ng bata ang tinahak ng kanyang kapatid
Ngunit nagkaroon siya ng mas mahirap na balakid
Pilit niya itong kayanin at itawif
Para mapasaya niya ang magulang niyang manhid

Umiiyak at tumalikod manhid ang nasambit ng bata
Sapagkat hindi nila alam ang nadarama niya
Sa lahat ng ibato sakanya wala siyang naging kasangga
Ang ginawa niyo lang ay ikompara ako sakanya

Pinilit kong lamangan siya
Ngunit hindi ko nga kaya
Pilit niyo kong gayahin siya
Palagi kayong galit kung hindi ako ang una

Ang tanong ko sainyo ginawa niyo ba akong nauna?
Grabe kayo mang kompara
Sana alam niyong mag kaiba kaming dalawa
Alam kong paborito niyo siya

Paborito niyo sa lahat
Sa mata niyo siya'y laging sikat
Pag nagpakitang gilas ako andami niyong satsat
Kaya ano pa bang gagawin ko kung sa mata niyo'y kapatid ko lagi ang angat?

P.S. this is for my bestfriend happy 10 years thea
HAHAHAHAHA u got this bebe stay safe lovelots♥︎

Tula.lalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon