𝓛𝚒𝚝𝚛𝚊𝚝𝚘

9 2 0
                                    

Isang litratong binabalik balikan
Kung saan masasayang alala ang nararamdaman
Ngunit limot na ang ating nakaraan
Iniisip kong kailan ko makukuha ang iyong kasagutan.

Isang tanong ang sinabi ko sayo
Ngunit umalis ka at pumunta nalang sa malayo
Di nasagot ang mga katanungan bumabagabag sa isip ko
Bat ka naghanap ng iba kung andito naman ako?

Pinagsilbihan ka namin ng nanay ko
Upang sumaya ka ng totoo
Ngunit bat ganito ang trato niyo
Para bang kami laging ang may sala sainyo

Nang iwan ako ni mama para alagaan niyo
Inaalagaan niyo ako kasi yon ang dapat dito
Sapagkat kayo ang tatay ko at anak mo ako
Ngunit sa paglipas ng panahon parang utang na loob ko ang mabuhay ako

Sa lahat ng ginawa ko gusto ko maipagmalaki niyo ako
Ngunit ang nakuha ko ang pag kokompara at pag baba niyo sa sariling anak niyo
Ngayon lumipas ang ilang taon nagkasakit ako
Depresyon ang kinalabasan ng pinag gagawa ninyo

Ng sinabi ko ito sainyo tumawa lang kayo
Sinabi ninyong hindi ito uso?
Nahihibang na ba kayo?
Hindi niyo alam ang kung gaano kasakit mga hindi inaasahang atake ng sakit ko

Hawak nalamang ang isang litrato
Isang bata babae kasama ang magulang nito
Napakasaya ng pamilyang na buo
Ngunit isa nalamang itong alaala sa isang litrato di na muli mabubuo

Humawak ng isang lubid ang dalaga
Itinali sa isang puno ng mangga
Bago niya ito gawin tinignan ang litratong punong puno ng alaala
Ngumiti at tumingin sa langit tanging nasambit handa na akong makasama kayo aking panginoong ama.

Tula.lalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon