***

19 4 1
                                    

"Oh? Bat di ka kumakain? Masarap naman niluto ko ah." Tanong ni mama ng mapansin nyang hindi ako kumakain.

"A-ahm.. Ma, pano mo ba malalaman kapag inlove ka?" Out of the blue'ng tanong ko.

Nanlaki ang mga mata nya at---
"BAKIT? INLOVE KA BA? KANINOO? ANO GWAPO BA YAN? OPPA BA YAN? MAYAMAN BA? MAY ABS BA YAN?!"

Napaawang ang bibig ko at Tulalang napatingin nalang ako sa kanya dahil sa mga tanong nya.

"Ano?" Dagdag na tanong nya pa.

Dali dali akong uminom ng tubig.

"Ma, teka lang ha! Alam mo napapansin na kita, Kelan ka pa natuto ng mga OPPA nayan?" Nagtataka and at the same time ay natatawang tanong ko.

Natigilan sya.

Huli ka balbon!

"Wag mong isiping pinakialaman ko yang laptop mo ha!" Defensive na sabi nya.

Pinanliitan ko sya ng mga mata.

"Sinasabi ko na nga ba! Kaya pala laging lowbat ang laptop ko dahil nanunuod ka ng mga Kdrama ko!" Sabi ko na pinanlakihan sya ng mata.

Tumabi sya sakin at yumakap.

"Hayaan mo na nak, hayaan mo, papakabit ko na ulit yung internet natin."

Bigla akong napabitiw sa kanya.

"Talaga??!!"

Niyakap ko agad sya ng tumango sya.

"Basta ba ipapanuod mo sakin yung bagong Episode ng Goblin eh."

Natawa ako.

"Oo na hahaha"

Bumitiw na ko sa kanya at kumain na ulit.

Wihiii! Sa wakas! Ma-i- stalk ko na ulit si Psyche! Magdiwang para sa future namin! Hurraaay!

"May asawa na ba si Gong Yoo?" Biglang tanong ni mama.

Nabilaukan ako sa tanong nya.

Wengya 😂

10 Days Of Fairytale 💕Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon