Isa lang naman akong simpleng fangirl.
Laging nangangarap na sana kahit mag reply nalang sya sa DM's ko okay na ko..
O kahit i-like nya nalang yung naka-tag sa kanya na posts ko sobra-sobrang happy na ko.Normal naman ang buhay ko eh..except syempre sa nanay ko na hinawaan ako ng virus at sinabing may kababalaghan daw ang Blood Moon.
Sino bang maniniwala dun? Kahit ako pinagtawanan ko pa sya ng sabihin nya yon.
Pero.. Sa sobrang "pagmamahal" ko kay Psyche, pati Blood Moon pinatulan ko na.Until one day.. Nagising ako na para akong sakay ng roller coaster..
Iba na ang lahat..
Una, may nang iistorbo na saken tuwing madaling araw.
Pangalawa, may nagpakilala saaking lalaki.. Isang weird na lalake.. Dahil sinabi nyang mas gwapo daw sya kay Lee Dong Wook! Ang weird diba?At pangatlo..
Dito ako naloka...
Dahil bigla-bigla ay may trabaho na ko..
At yun ay.. Personal Assistant..Personal Assistant ni Psyche Yeol Ryu!
Sino bang mag aakala na ang lahat ng mga nangyayari ay umaayon sa kung ano ang gusto ko?
Magiging masaya pa rin ba ko?
Kung alam kong ang lahat ng to.. Ay parang panaginip lang.. Na isang araw pag gising ko.. Ay wala na.. Isa na ulit akong "fan girl". Fangirl na milagro nalang na mapansin nya..Gugustuhin ko pa kayang bumalik?
Lalo na ngayong...Boyfriend ko na si Psyche?
Pano ba nangyari? Kahit ako, hindi ko rin alam.***
A/N:
Thank you for reading po! Sorry kung boring sya, but i will try my very very very best to improve everything. 🙏
I wanna dedicate this chapter to Shaneena and Jhai! 💕 Thanks sa support nyong malupet hahaha 💕 Saranghaeyo! 💕
BINABASA MO ANG
10 Days Of Fairytale 💕
FantasyPano kung isang araw ay natupad ang hiling mo at magising ka nalang na abot kamay mo na ang taong gustong gusto mo? Matutuwa ka ba? Lalo pag nalaman mo na SAMPUNG ARAW lang ang binigay sayo para makasama sya. Are you going to take the risk?