"N-no.. Hindi yan totoo! Normal ang buhay namin at hindi humiling si mama sa Blood Moon!" Naiiyak na sabi ko.
Bumalik sya sa pag aayos ng isang relo at nagsalita ng hindi tumitingin saken.
"I have to reset your memories para walang maging sagabal. Ang naaalala mo ay isang masaya at kumpletong pamilya."Naguguluhang tumingin ako sa kanya.
"Ibig bang sabihin ay---"
"I don't have the right to tell you everything. Ang mama mo ang dapat magsabi sayo ng lahat."
Napapikit ako.
H-hindi..
Hindi to nangyayari.."Pero bakit wala akong maalala na may nag iba? I mean, wala akong naaalala na may nabago sa mga pangyayari.." Bothered na sabi ko.
"Dahil mas pinili ng mama mo na wag nang ibalik ang malungkot at totoo mong alaala sa nakaraan mo dahil alam nya kung gaano ka masasaktan lalo ngayon na wala na ang papa mo."
Konti nalang sasabog na ang ulo ko sa sobrang dami ng naiisip ko! Huhuhu.
"Kailangan mo nang bumalik."
Bigla akong napamulat.
"T-teka! Bago mo ko pabalikin.. May hihingin sana akong pabor sayo.."Tinanguan nya ko.
"Wag mo na rin sanang i-manipulate ang lahat. Hayaan mong ako nalang ang magdesisyon.. Tutal sampung araw lang naman diba?I mean, walong araw nalang pala." Pakiusap ko sa kanya.
Napatiim bagang sya.
"No. Alam mong---""Alam ko kung ano ang nakasalalay dito.. Ang buhay mo. Kaya nga ipapangako ko na gagawin ko ang lahat para matupad ko ang hiling ko..Pangako." I raised my right hand.
Umiling sya.
"You're just like your mother. But since niligtas mo ko, maybe it's time for me to return the favor." He sighed. "Okay. Pababayaan kita. Magawa mo man o hindi, tandaan mo.. Na hindi lahat ng bagay na gusto mo ay dapat na mapasayo.. Dahil kung nakatadhana yong mangyari, humiling ka man sa Blood Moon o hindi, mapapasayo't mapapa-sayo yon." He snapped his fingers at tuluyan na kong nawalan ng malay.*****
A/N: Thank you for reading! Sana nagustuhan nyo! Saranghaeyo! 💕
BINABASA MO ANG
10 Days Of Fairytale 💕
FantasíaPano kung isang araw ay natupad ang hiling mo at magising ka nalang na abot kamay mo na ang taong gustong gusto mo? Matutuwa ka ba? Lalo pag nalaman mo na SAMPUNG ARAW lang ang binigay sayo para makasama sya. Are you going to take the risk?