Chapter 1. The Fan girl

51 4 3
                                    

(Erin POV)

"New Strawberry flavored cake of Magnolia, it's good to be thankful"

Napanganga ako ng mag wink si Psyche.
Kanina ko pa kasi nire-replay ang bagong commercial nya.

I sighed dreamily.
Haaay!
Kelan nya kaya isi-seen ang DM ko sa kanya sa Instagram? Siguradong inaagiw na yun don 😢

Bakit ba kasi hindi nalang ako naging artista? Siguro kung nangyari yon? Ay nako paktay na.

Nilibot ko ang paningin ko.
I smiled.
Punong-puno kase ng posters ni Psyche ang kwarto ko . Simula nung "totoy" days nya hanggang sa present na itsura nya ay nasa pader pina-print ko na lahat 😂

Psyche Yeol Ryeo. Sya ang sobrang crush ko na celebrity. Gwapo at may lahi din syang Korean kaya lalo ko syang nagustuhan. Mahilig kase ako sa KPOP/KDRAMA, yung tipong pwede na kong magbenta ng eyebags sa kakapuyat para manuod :D
Singer/Actor si Psyche. Bagong artista palang sya pero anlaki na agad ng fandom nya. Dahil na rin siguro gwapo sya 😍 Magkasing-edad lang kami. 18 ako at 19 naman sya. Oh diba alam na alam huehue
Sabi nila mabait daw si Psyche, pero sabi naman ng iba, Suplado daw kase hindi man lang ngumingiti sa fans offcam.
Pero kahit ano pang pamba-bash yan! Hindi pa rin magbabago ang "nararamdaman" ko sa kanya. Hihi.

Nasa middle of pagpapantasya ako kay Psyche ng bigla akong mapaubo ng malanghap ko ang usok ng kung anumang dala ni Mama sa kwarto ko.

"Jusmiyo mader *ubo*!Ano nanaman yan??" Nauubo pa ring tanong ko.

Sinenyasan nya lang akong manahimik.

"Kamalasan! Lumayas kaaaa! Mga masamang elemento! Lumayo kayo sa kwarto ng anak ko!"

Napairap nalang ako sa pinaggagawa nya.

Haruuu jusko! Ayan nanaman ho sya! -_-

I'm Erin Aphrodite. 18 years old. Stop muna sa pag aaral. At sad to say, sya ang mama ko.

I sighed ng makita kong tuloy pa rin sya sa pag papausok.

Jusmiyo! Konti nalang may tatawag na ng bumbero sa sobrang dami ng usok! -_-

"Ma! Tama na yaan! Mapagkakamalan na tayong may sunog oh!" Saway ko sa kanya habang nakatakip ang mga kamay ko sa ilong.

"Tumahimik ka! Baka marinig ka ng mga masasamang elemento!" Nandidilat ang mga matang saway nya rin sakin.

I rolled my eyes.

Haay! I HATE DRUGS! -_-

"Ma? Ilang sachet nanaman ba ng drugs ang natira mo?" Pabirong tanong ko sa kanya habang patuloy lang sya sa ginagawa.

Pinandilatan nya ko at lumabas na.

Haaay! Thankyou Lord!

Dali-dali kong binuksan ang mga bintana ng kwarto ko para makalabas ang usok.

I sighed.

Hindi naman talaga nag da-drugs ang nanay ko. 😂
Talagang mahilig lang sya sa mga ganon. Sa mga hula, pamahiin, at sa kung anu-ano pang pauso nya sa sarili na dinadamay pati ako. -_-

Actually, marunong sya manghula. Ako lang walang tiwala sa hula nya mwehehehe.

Nagulat ako ng bigla syang sumilip sa pinto.

"Bilisan mo dyan kakain na tayo."

Napalunok ako.
Wengya kala ko mangkukulam -_-
Bat kase hindi magsuklay ng maayos eh -_-

"Sunod na po ako."

Napangiwi ako.

Ano nanaman kayang damo ang ipapakain nya sakin? Huhu.

10 Days Of Fairytale 💕Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon