*Tik tok*
*Tik tok*Tunog ng relo ang gumising saken mula sa pagkakahimbing ko.
Aigoo sakit sa ulo.
"So you're awake."
Napabalikwas ako.
Ha?
Napalingon ako sa nagsalita.
Isang lalakeng matangkad at naka hoodie na itim na halos matakpan na ang buong mukha ang nakita kong nasa di kalayuan sakin.
Nilibot ko ang paningin ko.
Nasaan ako?
Nasa tindahan ba ko ng relo? Teka ibang panaginip nanaman ba to?
Nasa isang lugar kase ako na puro relo ang nasa paligid.
Mula sa pinaka maliit na relo hanggang sa pinaka-malaki ata na pwedeng isabit sa dingding ay nandito 😨😨
May mga glass hour din akong nakikita."I know you're wondering kung nasaan ka." Sabi ulit ng lalake.
"Sino ka po ba?" Natutop ko ang bibig ko ng may maisip.
"Wait.. Don't tell me namatay na ko at ikaw ang Grim Reaper?! Pero bakit naka hoodie ka? At bakit hindi ka kasing Oppa ni Lee Dong Wook sa Goblin?!" Naiiyak na tanong ko. Huhuhu nag expect pa naman ako matapos kong mapanuod ang "Goblin"! 😭😭😭Napaatras ako ng biglang naglakad papunta saken si grim reaper.
"I'm not a grim reaper. I'm your Time keeper, idiot."
Ay ang sungit ni koya nagtatanong lang naman ako idiot agad? Jombagin ko kaya to.
"Time keeper?" Maang na tanong ko.
He nodded.
"Ako ang magbabantay ng oras mo habang nangyayari ang kahilinginan mo sa blood moon"
"Ha? Magbabantay?"
He nodded again.
"Ako ang magpapasya kung ititigil ko o hindi ang nangyayari sayo ngayon. Alam mo bang matagal na panahon na mula ng may tuparin kaming hiling?"Hindi ako nagsalita at hinintay lang ang mga sasabihin nya.
I heard him sighed.
"Masyado na kasing mapaghangad ang mga tao, Kahit hindi nila kailangan, hinihiling nila. Hindi sila makuntento sa kung anong meron sila at sa kung ano lang ang kayang ibigay sakanila ng iba.""Pero bakit ako?" Naguguluhang tanong ko.
Tumawa sya ng mahina.
"Yan din ang tanong ko. Pero maaring dahil sa hindi ka naman talaga naniniwala sa blood moon, pero humiling ka pa rin. Minsan mas magandang pagbigyan ang mga taong hindi umaasa ng anumang kapalit."
Wow ha, ang lalim. 😰
"Pero bakit ba to nangyayari?" Tanong ko.
"Dahil ito ang hiling mo hindi ba? Sabihin mo lang kung ayaw mo na, kayang kaya kong ibalik ang lahat sa dati." Parang wala lang na sabi nya at akmang kukunin ang isang glass hour ng pigilan ko sya.
"TEKA! Hindi ko naman sinabing ibalik mo agad koya, ito naman ang bilis kausap, nagtatanong lang po!" Pilit ang ngiting sabi ko.
He snapped his finger.
"Ok. That's all for today. Pwede ka nang bumalik sa kasalukuyan"
Tututol pa sana ako pero tumalikod na sya saken para umalis ng magsalita sya.
"FYI, mas pogi ako kay Lee Dong Wook." Pagkasabi nya nun ay bigla na syang....nawala?!
Itim na afterimage nalang ang nakita ko.Luh? Pano sya nawala?! T-teka, hindi kaya bagong super hero sya ng Justice League? 😮
Pero ano daw?
Sa huling sinabi nya talaga ako naloka eh.
Sya? Mas pogi kay Lee Dong Wook? Ha-ha patawa si koya. Ni hindi nganssgYghjkgxhsjnajks---
Hindi ko alam pero unti-unti na kong nilamon ng antok.
BINABASA MO ANG
10 Days Of Fairytale 💕
FantasyPano kung isang araw ay natupad ang hiling mo at magising ka nalang na abot kamay mo na ang taong gustong gusto mo? Matutuwa ka ba? Lalo pag nalaman mo na SAMPUNG ARAW lang ang binigay sayo para makasama sya. Are you going to take the risk?