"T-thank you Psyche." Nakangiting sabi ko ng makarating kami sa bahay.
Hindi na daw sya bababa dahil baka may makakita pang mga faneng."It's okay. Go ahead. I'll see you tomorrow." Tipid ang ngiting sabi nya. May pinag iipunan ba sya ng ngiti?
Tumango lang ako saka bumaba na.
Walang goodbye kiss 😢
I waved goodbye hanggang sa mawala na sa paningin ko ang kotse.
"Ay maka babay parang wala nang bukas."
Napalingon ako sa nagsalita sa likod ko."LEXIE!"
"Oh bat parang nakakita ka ng multo?" Nakapamewang na tanong nya.
K-kung ganon.. Makakasama ko pa rin ang mga taong kakilala ko noon kahit nag iba ang takbo ng mga pangyayari?
"A-ah w-wala, nagulat lang ako bakit ba." Nauutal na sabi ko.
Tinitigan nya ko.
"Sino yung naghatid sayo? Bakit naka-kotse? Wag mong sabihing.....nagka boyfriend ka na sa wakas ng model?! O kaya naman... Artista?!" Nanlalaki ang mga matang sabi nya.
Tinulak ko ang noo nya.
"Ang praning mo te." Ako at naglakad na papasok ng bahay ng may maalala ako.
"Ahm.. Lex, pano ba ko naging P.A ni Psyche?"
Maang na tiningnan nya ko.
"Ok ka lang ba?" Tanong nya habang naka titig saken.
Tumango ako.
"Pano nga?"
Hinimas nya ang baba nya at nanunuring tumingin saken.
"Anong nangyari sayo? Omo.. Hindi kaya nakalimot kayo nung naghatid sayo, kaya nakalimot ka na din?!" Nanlalaki ang matang sabi nya.Pinitik ko sya sa noo.
"Anong nakalimot? Taba rin ng utak mo eh no. Nagtatanong lang naman ako, gusto ko lang mag throwback, friday ngayon kaya hashtag THROWBACK FRIDAY ganoin!" Palusot ko.
Lumapit sya at tumitig sa mukha ko.
"Pauso mo teng. Ewan ko sayo." Akmang maglalakad na sya papasok ng bahay namin ng pigilan ko sya.
"Sagutin mo muna yung tanong ko please?"
Pinaningkitan nya ko ng mata.
"Naka drugs ka ba Erin? Bat parang lutang na lutang ka ha? Anong natira mo?"Sinamaan ko sya ng tingin.
"Sasagutin mo ba ang tanong ko o hindi kita papakainin?" Pananakot ko sa kanya. Huhuhu sana umepek 🙏"Ha-Ha. Ikaw naman, Oo na sasagutin ko na kahit ginagawa mo kong tanga -_-" Pilit ang tawang sabi nya.
Napangiti ako.
Pagkain pa rin pala katapat nito 😂 :D"Hmm. Hindi ko rin alam kung pano ka naging P.A ni Psyche, basta pag-gising ko, P.A ka na nya."
Natigilan ako.
Kung ganon...
"Ibig sabihin naaalala mo kung ano ang nangyari sayo bago ka matulog pero pag-gising mo ay naiba na ang lahat??"Tiningnan nya ko ng nanunuri.
"Ano daw? Alam mo besh, gutom lang yan! Kung anu-anong tanong mo eh. Ang weird kaya!"Nag puppy eyes ako.
"Sagutin mo nalang besh. Jebaaal!" Ako habang naka salikop ang mga kamay. Yung parang nagpe-pray.Napahalukipkip sya habang nakatitig saken.
"Ano bang nangyayari sayo? Tuluyan kana bang nawala sa sarili dahil sa pagpapantasya mo dyan sa Psyche nayan ha?!"
*dugdug*
Kumabog ang dibdib ko pagkarinig ko sa pangalan ni Psyche.
Hindi nga kaya... Nabaliw na ko ng tuluyan?!
"Besh kasi..." Sasabihin ko na sana sa kanya ang lahat ng biglang dumating si mama.
"Oh bat di pa kayo pumasok?" Nakapamewang na tanong nya.
"Eh kasi tita si Erin kung anu-anong tanong saken. Nahawa na kaya to sa kabaliwan nyo tita?" Seryosong tanong nya.
Binatukan ko sya.
"Hindi ka kakain.""Tita oh!" Sumbong nya saka tumakbo papasok sa bahay.
Aigooo.
Napailing nalang ako.Papasok na rin sana si mama ng maisipan kong tanungin sya.
"Ma..Pano po ba ko naging P.A ni Psyche?" Seryosong tanong ko na ikinatigil nya.
I crossed my fingers hoping for a right answer.
"Ewan ko rin eh. Ano bang pinantakot mo dun para i-hire ka?" Kunot-noong tanong nya at tumalikod na pagkatapos i-flip ang buhok nya.
Ahuhuhu. Pwede ba kong mag request sa author ng mga normal na tao?! 😭
BINABASA MO ANG
10 Days Of Fairytale 💕
FantasyPano kung isang araw ay natupad ang hiling mo at magising ka nalang na abot kamay mo na ang taong gustong gusto mo? Matutuwa ka ba? Lalo pag nalaman mo na SAMPUNG ARAW lang ang binigay sayo para makasama sya. Are you going to take the risk?