Chapter 8

19 2 0
                                    

Habol ang hiningang napabalikwas ako.

"Okay ka lang ba 'nak?"
Napatingin ako kay mama na nasa gilid ng higaan ko. Mukhang hinintay nya kong magising.

Tiningnan ko ang wall clock.
7PM.
Ibig sabihin ilang oras din akong tulog.

"Napagod ka ba masyado sa trabaho mo? Bigla ka nalang nahimatay kanina." Nag aalalang sabi nya.

Biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko ng maalala ang sinabi ni Chad (Mr. Time Keeper) kanina.

Humiling si mama sa blood moon?

"M-ma.. May hindi ka po ba sinasabi saken?" Kinakabahang tanong ko.

Natigilan sya.
"A-anong ibig mong sabihin?"

I bit my lower lip.
"Ma kasi---"

"Mabuti pa magpahinga ka na lang muna. Ihahanda ko lang ang dinner natin." Tumayo na sya at lumabas.

Napapikit ako.

Paano ko ba itatanong sa kanya ang mga nalaman ko?

*Eeeenk*
Napapitlag ako ng biglang mag vibrate ang cellphone ko.

From: P 💕
Schedule: 5AM

*dugdug*

Psyche..

Napalunok ako.

Ano nang mangyayari ngayong... hindi na mangingialam si Chad? Aayon pa rin ba sa gusto ko ang lahat?

*****

Tahimik na sumubo ako ng pagkain.
Sa hindi ko malamang dahilan ay bigla-bigla nalang naging awkward ang atmosphere namin ni mama.

Uminom ako ng tubig bago magsalita.
"M-ma? May itatanong po sana ako.."

Tumigil sya sa pagkain at tahimik na tumingin saken.

"Ma kase, tatanong ko lang po kung kamusta na si papa?" Syet! Kinakabahan ako! 😭😨

She sighed.
"I don't know. Wag na natin syang---"

"Totoo ba?" Putol ko sa sasabihin nya.

Umiwas sya ng tingin.
"Ang alin?"

Napalunok ako.
"Na humiling ka sa Blood Moon??"

Gulat na napatingin sya saken.
"Anong kalokohan yan Erin?" Kunot noong tanong nya.

"Ma please.. Alam ko na ang lahat. Si Chad mismo ang nagsabi saken----"

"Anong ginawa mo?!" Galit na tanong nya na ikinagulat ko.

Pigil ang  emosyong uminom ako ng tubig.

Ilang segundo kaming natahimik.

She sighed at tuluyan nang huminto sa pagkain.

"May ibang pamilya ang papa mo." Basag nya sa katahimikan na ikanatulala ko.

What?

"Let me rephrase that. May unang pamilya ang papa mo."

"A-anong ibig mong sabihin ma?? Bat wala akong maalala?? Bakit.. Bakit iba ang naaalala ko?!"

"Noong una hindi ko rin alam kung bakit iba ang naaalala mo. Pero pinaliwanag sakin ang lahat ng Time Keeper. Na para matupad ang hiling ko, ay kinakailangang maiba ang lahat."

"Kung ganon.. Ang nangyayari ngayon at nangyari noon ay magkaparehas?"

Galit na tiningnan nya ko.
"Wag mong sabihing..."

"Humiling ako sa Blood Moon."

Nanlaki ang mga mata nya.
"What?! Anong iniisip mo't ginawa mo yon?!"

Napalunok ako ng makita ang magkahalong takot at pag aalala sa mukha nya.

"D-dahil.. Gusto ko ring mapansin ako ng taong gusto ko at---"

"Yan din ang gusto ko dati. Ang mapansin ako ng papa mo at maging asawa nya ko. Pero kahit pala anong gawin ko, hini ko pa rin mababago ang lahat." Kalmado nang sabi nya.
"Ang tanging nagawa ko lang, ay protektahan ka sa sakit na naranasan mo na dati."

Pinigil ko ang mga luhang nagbabadya sa mga mata ko.
"B-bakit wala akong maalala ma?"

"Dahil yun ang huling hiling ko sa Time Keeper. Mula ng magka isip ka, puro pag aaway na namin ng papa mo ang kinamulatan mo. All this time, alam mo na hindi tayo ang tunay nyang pamilya." She wiped her tears.

Hindi ko na alam kung paano pipigilan ang emosyon ko kaya tuluyan na rin akong naiyak.

"Alam mong kilala ang lola mo bilang taga hula, mang-gagamot at minsan napagkakamalan pa syang mangkukulam non." She forced a laugh. "Mula ng bata ako, naka-ugalian ko nang humiling sa shooting star, sa pilik-mata at maging sa blood moon. Lagi akong humihiling ng magandang buhay. Pero habang lumalaki ako, na realize ko na itigil na dahil hindi naman natutupad. Hanggang sa dumating ang papa mo sa buhay ko." She paused. "Alam ko na dati pa, na may asawa na sya. Akala ko nun, magiging masaya kami ng papa mo lalo ng dumating ka sa buhay namin. Pero nagkamali ako. Ilang ulit nya tayong iniwan, kaya sa huling pagkakataon ay humiling ako sa blood moon."

"A-anong nangyari ma?"

"Nangyari ang matagal ko nang hinihintay.. Natupad ang lahat. Bumalik ang papa mo at naiba rin ang alaala ng lahat ng taong nakapaligid saatin. Maging ikaw." She looked at me.
"Masaya ako dahil ang naaalala mo ay masaya at buong pamilya. Lahat ng masasakit na alaala mo ay nawala."

Natigilan ako ng may maalala.
"P-pero ang sabi ni Chad..ay pinigilan mo syang mag mando ng lahat.. Kaya hindi pa rin naging happy ending ang kinalabasan.."

Ng mga sandaling yun.. Nakita ko ang pinaka-malungkot na sigurong ekspresyon ng mukha ni mama..

"Oo, pinigilan ko sya.. Dahil gusto ko na totoo ang maramdaman ng papa mo kahit sa loob ng sampung araw.. Pero siguro nga.. Kahit anong gawin ko.. Hindi pa rin mababago ang katotohanan kahit ng anumang klase ng magic." She smiled bitterly.

Bigla-bigla ay nakaramdam ako ng awa sa sitwasyon namin..
Kaya pala kahit minsan, ay hindi ko sya narinig na nagtanong kay papa noong umalis ito.

"Kaya gusto kong magpasalamat kay Time Keeper. Dahil pinagbigyan nya ko na kahit bumalik na ang lahat sa dati ay hindi mo na maaalala pa ang nakaraan." Hinahawakan nya ang kamay ko. "Kung humiling ka sa Blood Moon.. Gawin mo ang lahat para maging masaya ka. Mangialam man o hindi si Time Keeper, dahil hindi lahat ay napagbibigyan ng ganitong klase ng karanasan.."

I remained silent.
Napapikit ako.

Nakakainis! Bakit naging magulo ang sitwasyon ng ganito??

"Alam kong magulo ang lahat, pero maiintindihan mo rin kung bakit mas pinili ko nalang na tanggapin ang katotohanang kahit kailan hindi ko na mababago ang mga bagay na nangyari na." Pagkasabi nya non ay tumayo na sya ay nagligpit ng pinagkainan namin.

Dapat bang mangyari ang lahat ng to dahil sa pag-ibig? Haaay! Kalokaaaa!

*****
A/N: Sorry for the late update. Kinakalawang kase ang brain cells 😂🙏
Thank you pa rin po sa mga magbabasa nito ☺ Saranghaeyo!

10 Days Of Fairytale 💕Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon