"Nak, Alam mo bang may magic yang Blood moon na yan?"
Napatingin ako kay mama.
Nanunuod kami ngayon ng balita tungkol sa bloodmoon na minsan lang daw mangyari."Eh? Panong magic ma?"
Hmm ano nanaman kayang pauso neto ni mader earth? -_-
Una, may nakita syang vision na magkakaroon ako ng Boyfriend, tapos ngayon naman tungkol sa.. Magic? Wait, what?! 😂"Kase daw, pag nangyayari yan eh maraming kababalaghang nangyayari. Tulad nalang ng, nanganganak ng hindi oras yung mga buntis. Pero alam mo ba yung pinaka gusto ko?" She paused and stare at me.
It gives me creeps 😲
Wengya."A-ano yun ma?" Kinakabahang tanong ko.
Pashnea wag nya lang sabihing may mga aswang na lumalabas pag blood moon ha 😨😨 Balak ko pa namang manuod 😰😰
"Natutupad daw yung mga wish ng mga taong may mabubuting kalooban."
Kumabog ang dibdib ko. Bigla-bigla ay pumasok sa isip ko si Psyche.
"Di naman totoo yan mader. Eh moon lang naman yan, like hello?full eclipse lang kaya naging red." Kunwari ay patay malisyang sabi ko.
Napa-aray ako ng pitikin nya ang noo ko.
"Totoo yun! Pero sabi nila, may mga kondisyon daw yon."
"Ano daw kondisyon?" Tanong ko na nakisakay nalang sa pinagsasabi ni mader.
"Ewan ko, tanong ko mamaya."
Napakamot ako.
Wengya, kaw ba naman magkaroon ng ganitong nanay ewan ko lang 😩"Ano nga ma? Seryoso -_-" seryoso at curious na tanong ko.
"Hmm, basta sabi nila, babalik daw sa normal ang lahat pag natupad na ang hiling mo."
"Normal? bakit magiging abnormal ba ko pag nag wish ako?"
Napaaray ulit ako ng pitikin nya ulit ang noo ko. This time ay may galit na kaya mashakit na. Huhuhu brutal talaga ng nanay ko -_-
"Dati ka ng abnormal. Pero sabi nila, instant daw kasi yun. Ewan, di ko naman kase na try yon."
"Eh sino may sabi nyan sayo ma?" Curious na tanong ko. Wengya baka mamaya imbento nya lang pala yun aba!
"Yung lola mo. Nakita ko sya kanina."
Bigla akong napakapit sakanya.
"MA! Wag ka ngang ganyan huhuhu magpapakabait na ko pramis! 😭"
"HAHAHAHA Ayan nga sya sa tabi mo. i- HI ko daw sya sayo." Natatawa nya pang sabi.
"UWAAAAH! MAMAMIYA!" Naiiyak na sigaw ko.
Huhuhu 10 years ng deds ang lola koooo! 😭😭😨
Ipapa-admit ko na talaga tong nanay ko! Malala na sya! T___T
BINABASA MO ANG
10 Days Of Fairytale 💕
FantasyPano kung isang araw ay natupad ang hiling mo at magising ka nalang na abot kamay mo na ang taong gustong gusto mo? Matutuwa ka ba? Lalo pag nalaman mo na SAMPUNG ARAW lang ang binigay sayo para makasama sya. Are you going to take the risk?