"C-can I be your girlfriend kahit...10 days lang?"
Hindi ko maiwasang hindi kiligin sa tuwing paulit-ulit na nagrereplay sa isip ko ang pinaka maganda na atang salita na narinig ko ngayong araw.
"YES"
Wiiiih! 😂
Pigil ang ngiting bumaling ako sa kanya.Seryoso lang syang nag da-drive.
Ihahatid nya ko ngayon sa bahay. Oh diba hashtag BOYFRIENDGOALS? 😄😄Ang gwapo nya talaga kahit saang anggulo ko sya tingnan...
Kanina pagkatapos ko syang tanungin kung pwede ko syang maging boyfriend at ng pumayag sya, ay nag aya na agad akong umuwi dahil sa sobrang hiya.
Pero iba rin eh! Yung feeling na parang nasu- suffocate ako lagi? Yun bang sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko kahit hindi sya nakatingin saken?
HUHUHU Eottoke? 😭😭"Are you that happy?" Tipid ang ngiting tanong nya saken ng mahuli nya kong nakatingin.
Namumulang napatango ako.
Wiii. Halata ba? 😄😄Napatingin ako sa isang kamay nya na wala sa manibela.
Ano kayang feeling kapag hinawakan ko ang kamay nya?
Yung tipong pang KDrama na habang nag da-drive si boyfie ay hawak nya yung kamay ng girlfriend nya.Eeeeh! Naloloka ako! Hahaha.
*KRRRRRK*
Muntik pang maumpog ang ulo ko sa headboard ng bigla syang mag preno.
Wengya! Papatayin nya ba ko? Labag ba sa kalooban nya na maging girlfriend ako?! 😨
"Are you okay?"
Napasinghap ako ng lumapit sya saken at hinawakan nya ang ulo ko para i-check.O-M-G.
"A-ah okay lang ako. B-bat ka ba kase bigla nalang nag preno?"
"Bat ba hindi ka nag seatbelt?!" Malakas na tanong nya saken na ikinagulat ko.
B-bat ba sya highblood nanaman? Eh nakalimutan ko eh huhuhu ikaw ba naman maging instant girlfriend ng lalakeng kinababaliwan mo maiisip mo pa bang mag seatbelt?! Kaloka talaga to si koya! Na stress ang kulot ko 😭😭
Bigla akong napasiksik sa pinto ng kotse ng bigla syang mag lean palapit saken.
O-omo..
A-anong ginagawa nya?Napapikit ako ng mas lalo nya pang ilapit ang sarili nya saken.
Homaygad!
G-gagawin na ba namin yung Secret Romance?! O_O*Click*
"Seatbelt."
Bigla akong napamulat sa sinabi nya.
Bigla akong napaayos ng upo ng marealize kung anong itsura ko.
Epic! Nakakahiyaaa! Huhuhu! 😭😭
"Kaya ko naman kase tong ilagay bat di mo nalang sinabi may palapit-lapit ka pang nalalaman." Defensive na sabi ko para matakpan ang hiya ko.
I heard him laugh na lalo lang nagpapula sa mukha ko.
Whaaah! Lupa kainin mo na ko ngayon din! Huhuhu.
"Are you expecting something?" Pilyong tanong nya matapos paandarin ulit ang kotse.
"W-wala ah! A-ano b-bang sinasabi mo jan!" Nauutal na sagot ko sa kanya.
He chuckled.
"Eh bat ka pumikit? Are you expecting me to---" He paused at tumitig saken.
Napalunok ako ng tumingin sya sa mga labi ko.
"A-anong t-tinitingnan mo? Magmaneho ka na nga!" Saway ko sa kanya na tinawanan nya lang.
Papatayin nya ba ko sa hiya?! 😭
Lihim na napangiti ako.
Lalo lang akong nalululong sa kanya sa bawat oras na dumadaan na kasama ko sya.
BINABASA MO ANG
10 Days Of Fairytale 💕
FantasyPano kung isang araw ay natupad ang hiling mo at magising ka nalang na abot kamay mo na ang taong gustong gusto mo? Matutuwa ka ba? Lalo pag nalaman mo na SAMPUNG ARAW lang ang binigay sayo para makasama sya. Are you going to take the risk?