Chapter 6

522 18 2
                                    

Nakita ko na marami ng nakakakita ng story ko and i hope magvote and magcomment na din kayo. Pede kayong magsuggest if you want =) .
Salamat sa mga nagbabasa ng story ko =) . Im so blessed and happy =) .

Here's the next chappy =) hope you like it.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Cess' POV

Kagagaling ko lang sa one of my secret places na tinatambayan ko. Pag may free time pa ako . Doon ko kasi inilabas ang pagkainis ko sa SLUT boy na yun . And I think nawala naman yung pagkainis ko. Sana lang di ko na siya makita kasi nakakainis ang mukha niya . Grrr . Nakakagigil siya !

Pumunta akong comfort room then pumasok ako sa isang vacant cubicle dun . After how many minutes , lalabas na sana ako nang may marinig akong mga naguusap .

"Hey , girls know what ? May isang nerdy girl daw na nagpahiya sa Charles natin ?" yung matinis ang boses . Aish . Sakit sa ears .

"Oo nga ! Dun sa may ilalim ng puno ng mangga nangyari ." sabi naman nung malagong ang boses . Daig pa ang lalaki eh .

"At di lang dun . Pati sa canteen nangyari yun . Kitang kita ni beautiful Queen ang nangyari." sabat ulit nung matinis ang boses

"Talaga ba ? Mukhang hindi marunong matakot ang Nerdy Girl na yan ah ? She even fought with our beautiful queen . Queen Ellie Belle Ferrer . Damn her . I'm sure magiging miserable ang buhay ng Nerdy girl na yun dito sa campus . By the way , what's her name ?" yung maarte naman kung magsalita . Tama lang siguro na nagsama-sama itong tatlong to . Masyadong tsismosa eh .

"Princess Joy De Guzman in short Cess" banggit sa pangalan ko nung malagong ang boses . Pero hindi yun ang nagpapantig ng tenga ko. Wait ? Ako ? Bakit ako ? . May nakaaway ba ako ? .

"Princess Joy De Guzman. A slut name . Kaya pala ganon siya." tapos nagtawanan sila . Grrr . Kakagigil kayo ! .

"So , let's go?" sabi ni tinis girl
"Let's go" sabi naman ni maarte girl

Nung narinig ko ng nagsara ang pinto ng Girl's comfort room ay lumabas na ako sa pinagtataguan ko. In short sa cubicle.

"Pangalan ko ba talaga yun ? Buong pangalan ko yun eh.  Napakaimposible naman kung twin brother ko yun eh lalaki yun . Grrrr ! Kakagigil . Ano bang ginawa ko?" halos maloka ako sa kakaisip kung anong ginawa ko . At biglang may naalala ako.

"Pfffft . HAHAHAHAHAHAHA" nautas ako kakatawa sa loob ng comfort room . Lumabas ako ng Cr na tawang tawa pa din . Pero pinipigilan ko kasi baka mapagkamalan pa akong baliw .

Tumakbo na ako papunta sa classroom namin dahil di ko na talaga mapigilan ang tawa ko .

Kaya pagdating ko sa classroom , tumabi ako kina Lana at dun ako tumawa ng tumawa .

"HAHAHAHAHA" tawa ako ng tawa sabay hawak sa tiyan ko . Yung apat mukhang Clueless dahil ang alam nila badmood ako paglabas ko ng Canteen .

Kinuwento ko lahat ng nangyari . Simula dun sa pagpasok ko ng Cr . Habang tawa ako ng tawa sila naman ay putlang putla na parang low blood sila . Okay ? Ano meron?

"Bakit kayo namumutla?" nagtatakang tanong ko sa apat na to .

"Kilala mo ba si Queen Ellie Belle Ferrer ? Maling tao ang binabangga mo Cess ." matigas na pagkakasabi ni Iana .

"Hindi ko siya kilala . At sino ba siya para makilala ko. At bakit QUEEN ang tawag niyo sa Ellie Belle chuchu na yun?" nagtatakang tanong ko sa apat na to . Kasi sa totoo lang di ko siya kilala . Wala naman kasi akong pake sa mga tao dito sa academy . All I want is to graduate in highschool.

"Well , For your MORE information , QUEEN Ellie Belle is the Queen here in campus . Siya ang pinakamaganda, anak ng Dean ng MA at QUEEN BEE dito sa academy."

"Tama lahat ng sinabi ni Trish , Cess . Si Queen Ellie Belle ay ang taong muntikan ka ng sampalin habang papunta kang canteen. Spoiled Brat ang isang yun Cess kaya take care . Mali na binangga mo ang isang tulad niya" pagsang-ayon ni Lana

Mukang malilintikan ako ah .

"Wala pang student dito sa campus ang nanlaban kay Queen. Tanging ikaw lang Cess ." sabat naman ni Cloe

"Wait . You mean, Queen Ellie Belle chuchu will make my life MISERABLE ?" pagtatarantang tanong ko

"Ganon na nga Cess . Not just MISERABLE. You will be living in Hell . Ganon kaspoiled brat si Queen . Kaya takot ang mga student sa kanya . Lalo na pag may student na nagpapahiya sa kanya o kung di man sa kanya ay sa taong mahal niya." sabi naman ni Iana . Mahal niya ? Teka si Charles?

"You mean yung Slut boy na yun? Yun ang mahal niya ?"

"Yes . Kahit sinong babae dito sa school pinagpapantasyahan si Charles . Di lang sila makalapit kasi I'm sure lagot sila kay Queen." banggit ni Trish

Okay . Im so dead . Maling tao ang binangga ko. I want my Normal life BACK!! .

Prince Jay's POV

Ngayon lang ako nagkaPOV dito ha . Salamat ate otor.

By the way .Ako nga pala si Prince Jay De Guzman . Princess Joy's twin brother .

These past few days . Marami na akong naririnig na bulung-bulungan tungkol sa twin ko . And being an OVERPROTECTIVE ELDER TWIN BROTHER , ayokong pagusapan ang Lampang twin sister ko . Sabi ng iba , nililigawan daw siya ni Charles. Matagal ko ng kilala si Charles. Dakilang playboy ay hindi SLUT boy yun . At alam ko pinagtitripan lang nila ang Twin sister ko . Honestly, matagal na ako dito sa MA . Magkahiwalay kami ni Cess dati kasi ayaw niya ako kasama pero ngayon no choice siya kaya napilitan siyang dito pumasok . Si mama at papa nasa states . Nandun sila for their work kaya minsan lang namin sila makasama . Lumipat siya sa school namin kasi nahihirapan siyang pumasok sa dati niyang school kasi malayo at madalas siyang malate kasi ang bagal kumilos . And ayoko din siyang ihatid kasi malayo yun sa school namin . Kaya lumipat siya dito sa MA. And all I need to do is to protect her. Wala pang karanasan sa love si Cess pero im sure maiinlove yan kay Andrew . Dahil gagawin lahat ni Andrew mapaibig lang ang lahat ng babaeng ayaw sa kanya .

"Pre . Lalim ng iniisip mo ah ? May problema ba ?" Si Andrei , tropa ko dito sa MA . Well kung iisipin niyo para kaming may bromance kasi para siyang GF ko kung magsalita . Naiba lang yung "PRE" word.

"Ah. Naiisip ko lang kasi si Cess. Yung lampang twin sister ko na ang bagal kumilos . These past few days kasi marami na akong naririnig tungkol sa kanya . And worst , nililigawan siya ni Andrew."

"Naku , ingatan mo twin sister mo pre . Delikado ang twin sister mo . You knew Andrew well , so better hide your twin sister . Or else , he would break your twin sister's HEART" -_-

"Grabe nakatulong ka promise . Eh lalo mo lang akong pinagiisip eh . Dun ka na nga gulo mo eh ." tinutulak ko siya palayo pero may napansin siya .

"Pre . Si Queen Ellie Belle oh? Lapitan mo pre malay mo kausapin ka . Ang torpe mo kasi eh"

Tiningnan ko ng masama si Andrei . Yes ! Queen Ellie Belle is the one that I love . Pero alam kong di niya ako magugustuhan dahil mahal niya si Andrew . Or mas tatawagin nating Charles kasi yun ang karaniwang tawag sa kanya .

"Hay naku . Dyan ka na nga pre . Punta na akong Classroom ."

Naglakad na ako papuntang classroom at nagsimula na ang Klase .

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Ayan nakapagUpdate na ako =) . Hope magustuhan niyo =). Sorry kasi late . Naubusan ng load kaya di makapagpublished hahahah . So ayan =)  Ano kayang mangyayari kay Cess ? Abangan natin yan =)

VOTE AND COMMENT =)

*SECRET_LOVER011

Nerdy Girl meets SLUT boyWhere stories live. Discover now