Here's my update . =) Hope you like it =)
SECRET_LOVER011
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~Cess' POV
Di ko na alam gagawin ko. Im so doomed ! These days lagi akong hinahabol ng tingin nila Queen Ellie Belle . To be honest, im so afraid. Takot na takot na ako. Well di naman kasi ganito sa pinasukan kong school dati . Dahil sa Charles na Slut boy na yun nagulo ang buhay ko. Gusto ko ng ibalik ang Normal life ko. Pero sa tingin ko di na yun maibabalik dahil kilalang kilala na nila ang mukha ko. Di ako makapagtransfer sa ibang school dahil last year na to . 4th year na ako remember ? Si God na bahala sa akin. Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa classroom ko sa section one . Yes . Section one ako . Did I mention earlier that i'm smart ? Hindi ata . Pero totoo . Sa dati kong school ako lagi ang Top 1 . Ewan ko lang kung magiging valedictorian ako these year . Dahil sa Queen Ellie Belle na yun na anak ng Dean or dahil sa gulung gulo na ang buhay ko. Gusto kong maging proud sina mama kaya pilit kong iniiwasan ang mga gulo . Pero shete kasi si charles ! Walangyang slut boy yun . Ginulo niya ang buhay ko.
Habang naglalakad ako pakiramdam ko ang daming matang nakatingin . Lahat sila ang sama ng tingin sakin . Di ko na lang pinansin at naglakad ng mabilis papunta sa section one . Pagpasok ko sa loob, nakita agad ako nila Trish kaya tinawag nila ako.
"Cess! Punta ka dito bilis!" sigaw ni Lana kahit ang lapit lapit ko na .
"Bakit? May problema ba?"
"Sobrang laking problem Cess. Pumunta kaming Canteen kanina para bumili ng water at nakita namin ang poster na ito. Kalat na kalat na sa buong academy." pinakita sakin ni Cloe yung poster at nagulat ako.
Napaiyak na lang ako .. Alam niyo ba kung anong nakalagay sa poster ?
PRINCESS JOY DE GUZMAN IS A SLUT GIRL . A JERK GIRL . NILALANDI NIYA ANG CHARLES NATIN . MALANDI SIYA . HALIPAROT SIYA. FAMEWHORE! BITCH! PATHETIC !
Kasama diyan ang picture ko. Ang picture ko na may sungay ng devil sa ulo ko.
Kaya pala ang sama ng tingin nila sakin habang naglalakad ako papunta sa section one . Kaya pala ganun sila . T.T
"Shhh. Cess okay lang yan . Alam naman namin na hindi ka ganon . Katulad ng iniisip nila . Tahan na . Huwag kang magpapatalo sa kanila. Sila ang Bitch , pathetic kung anu ano pa. Hindi ikaw . Kaya tahan na" alo sakin ni Iana.
Umiyak pa din ako ng umiyak . Wala daw si Ms. Gonzales . Kaya buong hour ng klase namin ay umiyak lang ako ng umiyak .
"Cess. Tama na yan. Tingnan mo sobrang mugto na yang mata mo."
Pagaalo pa din sakin nila Iana"Di ko lang kasi maintindihan. Bakit ganun sila? Never kong nilandi ang slut boy na yun. Siya yung lapit ng lapit hindi ako. Bakit ganun sila? Nakakaasar na. " iyak pa din ako ng iyak . Halos maubos na yung luha ko. Ang sakit sakit na ng mata ko pero mas masakit yung sinabi nila sa poster na yun.
"Cess lumaban ka lang. Alam naming matapang ka. Nasan na yung Cess na palaban na nakasama namin kahit sa maikling panahon lang?" sabi ni Lana
Well tama siya. Kailangan kong maging matapang . Hindi pwedeng magpapaapi na lang ako ng magpapaapi .
"Salamat sa inyo. Di ko akalaing makakatagpo ako ng mga kaibigang katulad niyo. Salamat talaga. Hayaan niyo. Magiging matapang na ako salamat ulit." binigyan ko sila ng matamis kong ngiti .
"Yan ang Cess na kilala namin. So ano ? Tara na sa Canteen ? Gutom na ako eh" pagmamaktol ni Cloe
"Hahahaha. Lagi ka namang gutom Cloe eh" natawa na lang kami sa sinabi ni Trish
YOU ARE READING
Nerdy Girl meets SLUT boy
أدب الهواةNerdy girl... wants a normal life. and she wants a true love.. but then he met the greatest SLUT boy who made a deal. a deal to let the nerdy girl fall inlove with him. would this be the start of their love story? or will end up like an enemy??