Hello guyseu :* Ayan hinabaan ko na ang update para sa isang BUWAN kong walang update. Sorry busy si otor na panget eh =) so ayon? VOTE, COMMENT AND LIKE po =)
~ SECRET_LOVER011
Charles' POV
Nabigla ako sa lahat ng sinabi ni Nerdy Girl. Di ko akalaing nasasaktan na pala siya dahil sa mga fangirls ko. Nung nakita ko siyang umiyak parang may anong kumirot sa dibdib ko. Parang may naguudyok sakin na punasan ko ang luha niya. Nung tumakbo siya palayo sakin. Gustong gusto ko siyang habulin. Pero parang may anong pandikit na nakalagay sa sapatos ko at di ako makaalis sa pwesto ko. Nakita kong tumayo na sina Iana. May ibinigay silang poster sakin at naglakad na sila palayo.
Binasa ko ang nakalagay sa sulat. Nagulat ako sa mga nakasulat doon.
PRINCESS JOY DE GUZMAN IS A SLUT GIRL . A JERK GIRL . NILALANDI NIYA ANG CHARLES NATIN . MALANDI SIYA . HALIPAROT SIYA. FAMEWHORE! BITCH! PATHETIC !
Parang biglang umakyat lahat ng dugo sa mukha ko. Halos nanggigil ako. Aalamin ko kung sino ang gumawa nito. Kahit na SLUT boy ako. May puso ako. Dati din akong nerd . And ayoko na to maulit pa.
"Pre . Hanapin mo kung sino ang gumawa ng poster na 'to." banggit ko kay Jade . Nakatitig lang ako sa nakasulat sa Poster na 'to.
"Sige . Gagawan ko ng paraan . Pero isa lang naman ang nasa isip ko na gagawa ng bagay na ganyan." mukang alam ko na kung sino.
"Oo . Alam ko . Mga fangirls ko gumawa nito."
"Hindi Charles. Isang babaeng patay na patay sayo." kunot noo naman akong napatingin kay Jade.
"Isang babae? Sino? Eh halos lahat ng babae nagkakandarapa sakin." pagmamayabang ko
"Our QUEEN BEE . Siya ang babaeng sobrang OBSSESSED sayo. Ang anak ng Dean. Ang QUEEN dito sa MA ."
napatitig ulit ako kay Jade . At tila wala kang mababakas na emosyon sa muka niya . Ngayon ko lang nakita maging ganito si Jade. Ang alam ko puro kalokohan siya . Pero iba pala siya.Mukang alam ko na kung sino ang tinutukoy niya....
"QUEEN ELLIE BELLE FERRER"
Matigas na banggit ko na puno ng galit sa loob ko.Sa sobrang pagkaOBSSESSED niya sakin. Di niya alam nakakasakit na siya. Nerd din ako noon . Pero simula nung makilala ko ang apat na 'to, nagbago ako. Tinuruan nila ako. Maliban lang kay Keislr at Chaunce . Dahil si Chaunce ay dakilang antukin at tamad . At si Keislr naman ay dakilang nerd. Kaya minsan ko lang makasama ang dalawa dahil nga di sila sanay sa kalokohan. Kaya itong si Jade ang lagi kong kasama.
"Tumpak Charles. Pero dapat muna tayong magsigurado. Wala pa tayong ebidensya na siya nga ang gumawa ng poster na yan."
"Sige . Balitaan mo na lang ako Jade. May pupuntahan lang ako"
Tumango lang si Jade at hinabol ko si Nerdy Girl. Alam ko naman kung san siya pupunta eh. Pagdating ko dun di ko ineexpect na makikita siyang nakangiti at katawanan ang lalaking nakita ko sa bahay nila.
Ewan ko pero bigla akong nainis. Kanina iiyak iyak siya tapos makikita ko na lang siya na NATAWA kasama yung lalaking yun? Tss.
Sino ba yung lalaking yun at napangiti niya yung Nerdy Girl na yun? Aish . Masyado na akong nagiisip dapat nga di ko pinapansin yung nerdy girl na yun eh .
Nakita kong tumayo na sila pareho. Mukhang babalik na sa klase yung lalaki at si Nerdy Girl. Pareho silang 4th year din? Pero magkaiba ng classroom. Paano nakilala ni Nerdy Girl yun? Tss . Bakit 'pag ibang section napapansin?
YOU ARE READING
Nerdy Girl meets SLUT boy
FanfictionNerdy girl... wants a normal life. and she wants a true love.. but then he met the greatest SLUT boy who made a deal. a deal to let the nerdy girl fall inlove with him. would this be the start of their love story? or will end up like an enemy??