Cess' POV
*alarm clock ringing*
"Argh!" Pinatay ko ang alarm clock at naisip ko na naman ang nakaraan ko katulad ng ginawa ko kagabi. Mabilis na tumulo ang luha ko. Kahit pala nakalimutan mo na yung tao, once na bumalik siya, babalik at babalik yung alaala niyong dalawa. Masaya man yan o hindi. Mapait man yan o hindi. Mapapaisip ka na lang kung bakit nila sinasaktan yung mga taong walang ibang ginawa kundi mahalin sila. Like bullshit na lang talaga ang makakaisip non diba? Ano ba sila? Walang pakiramdam? Nakakaputangina lang diba?
Naabutan ko na naman ang sarili kong lugmok na lugmok dahil sa lalaking 'yon. Pinunasan ko ang mga luha ko pero patuloy pa din ito sa pag-agos.
"Tama na Cess please? Tama na. Okay ka na diba? Diba nakalimutan mo na s-siya. T-tama--" Hindi ko na natapos ang panenermon ko sa sarili ko dahil di ko na napigilan pa ang iyak ko. Sobrang sakit pa din pala. Akala ko tapos na akala ko wala na. Nandito pa din pala. Hindi mawala-wala.
"Ang inaasahan kong makikita ngayong umaga ay ang panget na Nerdy Girl na nakangiti. Di ko inaasahan na makikita na naman kitang umiiyak" Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na yon at nandito na naman siya. Ang taong di ko inaasahang magiging karamay ko kagabi. Nasa bintana siya at kitang-kita mo sa mata niya ang lungkot na nakatingin sa akin.
"Slut" Ngumiti ako pero natalo pa din yun ng mga luha ko.
"Pesteng mga luha to di na naubos-ubos" pinunasan ko ang mga luha ko kahit patuloy pa din iyon sa pagpatak. Pero di ko napansin ang paglapit ni Slut Boy sakin."Tss. Di ko inaasahang mas magiging panget ka sa umaga" agad ko naman siyang binatukan pero agad ding natawa.
"Yan. Ngumiti ka lang." dahan-dahan niyang pinupunasan ang mga luha ko. "You deserve to be happy Nerdy Girl. Whatever or whoever makes you cry, don't let them take away that smile on your face okay?" The way he smiles at me. The way he comforted me. It calms my heart. And there goes my heart beat again. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. I've never felt this before.
"Wag mo sabihing inlove ka na sa akin niyan? Hahahahaha" agad naman akong bumalik sa katinuan at tinulak siya palayo dahil sobrang lapit niya sa akin. Pinunasan ko ang mukha ko gamit ang panyo na nasa kama ko.
"Hoy Slut Boy! Pwede bang umalis ka sa kwarto ko? Can't you see? It's my private property! You jerk! Basta-basta ka na lang umaakyat sa bintana ko. Ano ka ba ?! AKYAT-BAHAY? Umalis ka na nga! Sino bang nagsabi sayo na pwede kang pumasok ng pumasok dito?" Inis na inis kong tanong para maiwasan ang pangyayari kanina.
"Hoy! Nerdy Girl! Anong Akyat-bahay?! Siraulo ka! Baka mayaman ako! At tyaka, ipagpapaalam kita sa kuya mo kaya dyan ka na! AT OO NGA PALA! WALANG MAKIKITA SAYO KASI" tumingin siya sa dibdib ko at tyaka ngumisi.
Doon siya dumaan sa bintana, tiningnan ko naman siya at nakitang kakatok na siya sa pinto ng bahay namin.
"TEKA! HOY! ANONG SABI MO?! TARANTADO KA AH?! PATAY KA SAKEN MAMAYA!" Lumingon siya sa gawi ko pero kinindatan lang niya ako. WHAT?! IPAGPAPAALAM ? BAKIT?
Dahil sa sobrang kaba ko sa kung anong maaring gawin sa kanya ni kuya eh nagmadali akong maligo at magbihis. As usual, hindi mawawala ang nerdy glasses ko. Agaran akong bumaba mula sa kwarto at natanaw ko si Kuya at si Slut boy na nakaupo sa sofa. Napatingin sa akin si kuya at swear, tatakbo ka pag nakita mo kung gaano kasama ang tingin niya sa akin.
"A-ah. Hi kuya." lumapit ako kay kuya pero nagulat ako nung matagal siyang tumitig sakin."Shit Cess! Nakalimutan mong mugto nga pala ang mata mo!" Panunuway ko sa sarili ko gamit ang isip ko. Kaya naman tumingin ako kay Slut boy at nakangiti siya sa akin kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.
YOU ARE READING
Nerdy Girl meets SLUT boy
FanfictionNerdy girl... wants a normal life. and she wants a true love.. but then he met the greatest SLUT boy who made a deal. a deal to let the nerdy girl fall inlove with him. would this be the start of their love story? or will end up like an enemy??