CHAPTER 2 : MEET TYRONE
Kate’s POV
“What? HAHAHAHA! Nakakaloka ka!” humagalpak ng tawa si Lex ‘nung kinwento ko sa kanila yung katangahan ko. Sinimangutan ko lang siya.
“Huwag ka ngang tumawa dyan, Lex! Porket wala kang pinoproblema dyan eh!” simangot ni Shaira na problemado rin. May mali nga talaga.
Actually, hindi nagkukwento sa amin si Shaira netong mga nakaraang araw. Nakangiti lang siya sa amin na parang walang ‘di magandang nangyari. Pero ramdam kong kapag tinitignan niya si Raz, nasasaktan siya. Mas nakikita kasi sa mata ng tao kung masaya ba siya o malungkot kaya naman alam kong hindi talaga siya okay at may tinatago siya sa amin.
“Hindi ako ang dahilan kung bakit tayo nandito, okay?” asar na sabi ko. Uminom na lang ako ng juice, pampalubag loob kahit papaano.
“HAHAHAHAHAHAHA! Teka-- sorry hahahahahaha!” halos di na maipaliwanag yung itsura ni Lex habang tumatawa habang nakahawak pa sa tiyan niya. Ang saya niya masyado.
Tinignan lang namin siya nang masama ni Shaira. Mukhang nakaramdam naman siya at nanahimik bigla. “Sorry girls,” tapos pasimple siyang uminom ng juice.
“Sabihin mo nga kung anong nangyari sa inyo ni Raz at bigla ka na lang umuwi nung nakaraan,” tanong ko sa kanya habang nakapalumbaba sa lamesa. Nakita kong humugot muna ng malalim na hininga si Shaira at sinimulang magsalita.
“Wala na kami ni Raz. Nakipagbreak siya sa akin ‘nung araw na ‘yun.”
Nagulat kami sa sinabi niya. So tama nga ‘yung instinct ko. Pero bakit nakipagbreak sa kanya si Raz? Parang ‘nung nakaraang araw lang ang sweet nila tapos biglang ganito?
Hinintay lang namin ‘yung susunod na sasabihin niya.
“Sabihin niyo nga sa akin, hindi ba sapat yung mga ginawa ko sa kanya? Bakit naitago niya sa akin ng ilang buwan ‘to? Bakit kailangang ipagpalit ako sa iba? Hindi ba ako enough para sa kanya?”
Sinusubukang pigilan ni Shaira ‘yung luha niya pero dahil sa sakit na naramdaman niya, bigla na lang siyang humagulgol ng iyak.
I feel so bad for my bestfriend.
“Ano ba’ng nangyari at nakipagbreak siya sayo?” tanong ni Lex sa kanya.
“Sinabi sa akin ni Raz na may fiancé na siya. Kaya hindi na namin pwedeng ituloy pa yung relasyon namin.”
“Ha? Teka, parang ang bilis naman yata? Fiancé kaagad?” gulat na sabi ko.
Tama nga siguro siya, ilang buwang tinago ni Raz ‘yung tungkol doon. Pero bakit kailangang mangyari ‘yun? Naguguluhan talaga ako.
“Sino ba ‘yan at nang makalbo ko agad!” galit na sabi ni Shaira at umarte pang akala mo eh mananabunot talaga.
“Hindi ko rin expected ‘yung sinabi niya pero maniwala kayo o hindi, si Camille yung fiancé niya...”
Humagulgol ulit ng iyak si Shaira. Nasasaktan ako para sa kanya. Magkaiba man kami ng sakit na naramdaman, alam kong masakit pa rin ‘yun kumpara sa akin.
Tahimik lang kami ni Lex habang pinagmamasdan si Shaira na nakalagay ang dalawang kamay sa mukha niya. Maya-maya lang, nagsalita ulit siya.
“Ang sakit. Mahal na mahal ko si Raz eh. Hindi ko alam na ang tanga-tanga ko pala ‘nung marealize kong matagal na niya kong niloloko. Handa pa rin akong magpakatanga sa kanya kung kailangan kasi mahal ko siya eh. Halos sa kanya na umikot yung mundo ko eh. Saan ba ako nagkulang? May mali ba? May nasabi ba akong mali? Na-offend ko ba siya? Or ‘di ko nasunod ‘yung gusto niya? Pangit na ba ako? Mas masarap bang humalik si Camille? Ano pa ba? Nasa kanya naman lahat ng oras ko ah, nagkulang ba ako? Sabihin niyo nga?”
