Chapter 10

5 0 0
                                        

Kate’s POV

PAGKATAPOS ng reunion kuno sabi ni Nathan, sabay-sabay kaming bumalik sa room since lahat naman kami magkakaklase. Nagulat nga kaming tatlo kasi nagshift ng course si Nathan habang nagkataong blockmate ko si Jacob.

Malapit na ang preliminary exam niyo. So, inaasahan kong marami kayong natutunan sa akin at inaasahan ko rin na marami kayong masasagot na tama sa exam niyo. Intiendes?!

Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, mukhang hindi na namin mababago ‘yung bunganga ng prof na ‘to sa sobrang daldal. Halos nakapangalumbaba lang kami at walang ganang sumasagot sa kanya.

Yeeees, Siiiir.

Jusko, ganyan ba ang tamang pagsagot?! Mga college ba talaga kayo?! Para kayong elementary kung sumagot!

Heto na naman siya, puro sermon na naman. Dinaig pa ang pari kung manermon, eh.

Kakabreaktime niyo lang ah?! Nagsikain ba kayo, ha?! Hala, at nang maganahan naman kayo, may bagong blockmates ang BA_01! Magpakilala na kayo sa harapan bago ko pa pisilin ‘yang pandesal niyo.

Landi ni Sir.

“Bes pigilan mo ‘ko, kanina pa ako nagpipigil ng kilig bes stop me bes.”

“I kennat huhu how to kalma.”

Magbubulungan na nga lang, ‘yung rinig na rinig ko pa. The two guys stood up and introduced theirselves in front.

KYAAAAAAH!

Nagsimula namang magtilian ‘yung mga babae. Do they need to react like it is their first time to see a guy?!

DYAN! DYAN KAYO MAGALING! NABUBUHAY ‘YANG KALANDIAN NIYO KAPAG NAKAKITA NG GWAPO! EH KUNG TANGGALAN KO KAYO ISA-ISA NG MATRES AT ISAMPAL KO SA INYO ANG SINGKO NA GRADE NIYO SA SUBJECT KO?!

Walang nagsalita sa amin kahit na isa. Natigilan din ‘yung dalawang lalaki na kasalukuyang katabi ng prof na ‘yun. Mukhang nagulantang din sa inasal niya. Kawawang boys.

Magpakilala na kayo, aba.”

Eh kung manahimik kaya muna si Sir, aba?

I’m Jacob Cartner, BA student and let us spread the world peace. Thank you.

Loko talaga. World peace niya mukha niya. Lol.

“Hello po, I’m Nathaniel Carlos, Accountancy student and I hope na makisama ang Math sa akin.

Well, ngayon pa lang goodluck na sa’yo.

Okay, you can have your seats, gentlemen.

Nang makaupo na ulit ‘yung dalawa, nagsimula na namang magdada ang prof na ‘to. Nakita kong napatingin sa akin si Jacob at kumindat. Trip yata netong dalawa na manggulo sa amin kaya sa likod namin pumwesto.

Hindi porket mga gwapo kayo eh papalusutin ko kayo sa subject ko?! Hindi niyo ako makukuha sa mga pacute niyo! Ako lang ang cute sa klaseng ito! Intiendes?!

Ay, cute naman po pala. Ew!

Halos pigil ang tawa ng lahat dahil sa sinabi ng prof namin. Aba’t nakuha pang ilabas ang sobrang pagkabilib sa sarili niya. Mukhang napansin niya ‘yun at saka inayos ‘yung poise niya.

Hala at kumuha kayo ng 1/16 sheet ng yellow paper!

Sir?!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 19, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon