CHAPTER 6 : BE WITH ME
Shaira’s POV
*ring... ring*
“Mmmm...”
*ring... ring...*
Wtf. Too early for a phone call!
Kinapa ko pa sa ilalim ng unan ko ‘yung phone ko.
“Mmm...?” wala sa ulirat kong sagot na hindi man lang tinignan kung sino ‘yung tumatawag. Nakapikit pa rin ako at nakadapa sa kama ko.
“Good morning,” napakunot ‘yung noo ko nang lalaki ‘yung sumagot sa kabilang linya. Hindi naman si Raz ‘to kasi imposible ‘yun, ‘no.
“S-sino ‘to? Hindi mo ba alam na sobrang aga pa?” inis kong sabi.
I heard him giggled on the other line.
“I know. I just want to hear your voice this morning,” biglang nagising ‘yung diwa ko at natauhan dahil sa parang pamilyar na boses na ‘yun.
Tinignan ko sandali ‘yung phone ko para makita kung sino ‘yung kausap ko.
Sabi ko na nga ba! Ang aga namang mang-istorbo nito?
“T-teka. Ang aga mo namang tumawag? Ang aga pa, ah? Saka kanino mo nalaman number ko ha?”
“Uulitin ko pa ulit para sa’yo ‘yung sinabi ko kahapon? Unli ka?”
Ugh. Really? What’s up with this man?
“Oh tapos? Ano’ng purpose ng pagtawag mo ngayon? Siguraduhing mong mahalaga ‘yan!”
“Let’s go out,” hindi siya patanong bes, lalabas talaga at lalabas kami ngayon. Hays.
“Hindi ka man lang nagtanong kung gusto ko?”
“Kailangan pa ba ‘yun? Alam ko namang papayag ka agad eh,” asa naman siya! Ang sabihin niya, tatanggi lang ako sa alok niya!
“Aba—”
“Don’t dare to go back to sleep again, princess.”
“What? Bakit?! Ano’ng oras pa lang naman ah?!”
“Hindi ka ba nagchecheck ng oras? 10 am na!”
“Wait, what?! 10 am na?! Seryoso ka ba dyan?”
Mukhang napasarap yata ang tulog ko ah? Sabagay, ano’ng oras na rin kasi ako nakatulog. Nakakainis kasi. Hindi pa rin ako makatulog nang maayos simula ng break-up namin ni Raz. Kahit kailan naman hindi siya nawala sa isip ko.
“Yeah, and I’m waiting. Be ready,” sabi niya. Mukhang wala nang atrasan ‘to ah? I just growled in annoyance.
“Shaira, I told you. I’m waiting.”
Bigla kong narinig ‘yung end call, hudyat na binaba na niya ‘yung tawag.
“Ateeeeee!”
Halos mapatayo ako sa kama nang marinig ko ‘yung matinis na boses ng kapatid ko. Bigla na lang niyang binuksan basta-basta ‘yung pinto.
“Ano na naman at ang ingay-ingay mo?!”
“Hoy ate! Kanina pa naghihintay ‘yung gwapings sa ibaba! Kaloka ka! May date ka pala, ‘di ka nagsasabi!”
“Ah, kailangan ba? Saka ano kita, nanay? Baka nakakalimutan mong mas matanda ako sa’yo?”
