Chapter 4

4 1 0
                                    

CHAPTER 4 : SAY YES



Lex's POV

Naglalakad kaming lahat ngayon papuntang gym at talaga naman, ang daming tao! Bakit ganun?!

"Teka, next week pa naman yung laban niyo ng basketball, di ba?" Tanong ko kay Vince.

"A-ah oo. Bakit mo naman natanong?"

"Eh bakit ang daming tao sa gym? May announcement pero bakit dito? Diba dapat sa quadrangle?" Takang tanong ko.

"Don't know either. Hey, gotta go. Tawag kami ni Coachie," paalam ni Vince sa amin. Tumango lang kami ni ate Krissy. Nang napatingin siya kay Ate Krissy, bigla siyang umiwas nang tingin at nakayukong umalis. Ay, ang cute cute kiligin ni Vince! Haha!

Umupo kami sa malapit sa bleachers.

Aish. Nagugutom na ako! Asar naman.

*insert echoing mic here*

"Good afternoon, students," bati ng isa sa mga head ng college department.

"Good afternoon, Sir," ganting bati rin naman ng mga estudyante.

"May idea ba kayo kung bakit biglaan ko kayong pinatawag dito?"

Walang sumagot kahit isa. Biglaan nga.

Napalingon ako nang biglang may kumalabit sa akin sa balikat. Bigla akong napalingon at si Kate pala yun.

"Oh Kate! Si Shaira?" tanong ko kay sa kanya. Umupo siya sa tabi ko at binati si ate Krissy. Wala dito si Kayla dahil nandoon sa pwesto ng mga high school students.

"Papunta na yun, may binili lang," sabi niya.

Saktong pagkasabi ni Kate non ay tumabi sa akin si Shaira. Hindi ko na rin maintindihan yung sinasabi ng prof na nasa harapan.

May inabot sa akin si Shaira na nasa paper bag.

"Kumain ka na muna. Di ka pa kumain eh," kinuha ko yung paper bag at nagpasalamat. Hindi talaga nila ako nakakalimutan. How thoughtful of them naman.

Pagkabukas ko, nakaramdam agad ako ng gutom. Babanatan ko na talaga 'to kahit burger at ensaymada lang 'to.

"Hi, ate Krissy! Nandyan ka pala! Hehe," bati ni Shaira kay ate Krissy at nagbeso silang dalawa. Nagkamustahan naman silang dalawa kasama si Kate.

"Teka, si Kyle nga pala? Akala ko kasama mo na, Lex!" tanong ni Kate sa akin.

"Bakit nakita mo ba?"

"Magtatanong ba ako kung nakita ko? Kaloka ka mother ha," sabi ni Kate at saka tumawa.

"Luh. Tapos sa akin di pa nagpapakita? Ano ba naman yan," malungkot na sabi ko.

Ang daya naman! Ako na lang yata hindi makahagilap sa kanya eh! Nakakatampo naman! Asar.

"Uy, wag kang malungkot dyan! Makikita mo rin si Kyle," sabi sa akin ni Shaira.

"Oo nga. Cheer up, okay? Baka busy lang or may pahabol na ginawa," hinaplos pa ni ate Krissy yung buhok ko. Napabuntong hininga na lang ako at tinuloy yung kinakain.

Eh bakit kanina walang katao-tao sa gym? At saka dapat sinabi ni Coach na may gagawin sila kung meron man. Naguguluhan ako.

Kyle, magpakita ka na, please? Worried na talaga ako. And I'm serious!

UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon