Shaira’s POV
“Oy, Shaira!” patakbong nilapitan ako ni Kate at huminto sa harap ko na hingal na hingal.
“Ano’ng meron at bakit nagpapractice kang magmarathon sa harap ko?” nakapamewang ko pang sabi.
“Ano ka ba?! Kailangan nating pumunta sa simbahan, ‘te!”
“A-ano?! Aba’t himalang nagyayaya yata kayo magsimba?”
“Ano’ng-- baka nakakalimot ka?! Sabagay, hindi na ako magtataka kasi makakalimutin ka naman talaga! Hala, sumama ka sa akin at baka kotongan kita nang maalala mo.”
“H-hoy! Hindi ako ulyanin! Ang hard mo sa akin ah?”
Hindi na siya umimik at hinila niya ako papuntang kotse niya. Pinaharurot niya ‘yun at hindi man lang naisip may kasama siyang mamatay if ever na naaksidente kami! Kailangan ba talagang damay-damay kapag magkakaibigan?! Nai-stress na ang bangs ko sa kanya!
“May balak ka bang patayin ako ngayon ha?!”
“Shhh! Nagcoconcentrate ako!”
Hanggang nakarating kami sa isang hindi pamilyar na simbahan. Nakita kong pare-parehong dress na sky blue ang mga damit ng mga babae. Naka-suit naman na itim at puting polong panloob na sinamahan ng necktie ang outfit ng mga lalaki. Lahat sila ay nakaharap sa altar at walang nag-abalang tumingin sa gawi namin ni Kate na papasok pa lang ng simbahan.
Napakunot naman ang noo ko nang magsiharap lahat ng tao sa loob. Laking pagtataka ko naman kung bakit sa dami ng daraanan, dito pa kami dumaan sa mismong aisle ng simbahan. Eh halata namang may ikakasal ngayon.
Mas lalo kong ikinagulat nang inisa-isa ko ang itsura ng mga taong nasa simbahan. Karamihan ay mga schoolmates ko sa Xeniavelle noong highschool. Pati mga kakilala ko eh nandun rin. Pati ‘yung ibang relatives ko eh nandun rin!
“Tsk tsk. Makakalimutin ka talaga, ‘no? Nakashabu ka ba?” sabi sa akin ni Kate habang sinasamahan ako sa--
Kay Dad?!
"D-dad?!" Gulat na tanong ko nang makita kong inaabangan niya ako sa aisle ng simbahan. Sinubukan kong aninagin kung sino ‘yung nasa kabilang part ng aisle pero nakatalikod siya at kausap ‘yung mga tao doon.
“Let’s go? Are you ready?” Ngiting tanong ni Dad sa akin. Iniabot niya sa akin ang braso niya para isukbit doon ang kamay ko.
“Ready saan?” Takang tanong ko.
“Sa kasal mo! Have you forgotten?” Halatang nagulat siya sa tanong ko. Ano daw?!
Kasal ko?!
Saka ko lang napansin na nakawedding gown ako! What the...
Tumingin ulit ako sa mga tao sa simbahan. Ngiting-ngiti silang lahat sa akin at parang hinihintay nilang maglakad ako papuntang altar habang ako eh hindi ko na alam ang gagawin ko dahil wala akong idea sa mga nangyayari!
“W-wait, Dad. Who’s my groom, anyway?”
“What? You mean, h-hindi mo kilala kung sino ‘yung groom mo? Huwag mo nga akong niloloko, nagjojoke ka na naman anak eh. Katok ka talaga.”
