CHAPTER 1 : WRONG KISS
Kate’s POV
“Kaloka ka girl, para kang pinagsakluban ng heaven and earth. Anyare sayo at parang pasan mo lahat ng problema sa mundo?”
Napabuntong hininga na lang ako sa sinabi ni Lex habang naglalakad kaming tatlo ni Shaira papunta sa usual spot namin. Hindi pa ba sila sanay na gloomy ako tuwing dumadating ‘tong date na ‘to? Kung pwede nga lang tanggalin sa kalendaryo ‘to para di na ko malungkot nang ganito eh.
“Ano ka ba, parang di mo naman kilala yang si bestfriend natin. Bitter tuwing dumadating yung date ngayon. Dinaig pa biyernes santo sa sobrang lungkot eh,” sabi naman ni Shaira. Napangiwi na lang ako dahil mukhang pinagkakaisahan ako ng dalawang babaeng ‘to.
“Nakakahiya naman kasi sa inyong dalawa na may magandang lovelife eh noh. Ako maganda lang pero walang lovelife,” sabi ko at saka inirapan sila.
“Ay grabe talaga confidence level mo bes. Move on move on din kasi,” pang-asar na sabi ni Shaira.
“Ikain na lang natin yan. Tara na!” yaya ni Lex habang tinuturo ‘yung lugar kung saan madalas kaming kumain.
“Kakain talaga tayo dyan? Hala. Diet ako ngayon e. Pero sige tara na. Walang diet-diet sa taong gutom noh.”
Hinila kami ni Shaira sa madalas naming kainan na karinderya. Tignan mo ‘to. Siya pa talaga nanghila. Binati agad kami ng may-ari doon pagkapasok namin.
“Hi girls! Kamusta ang enrollment niyo kanina?” bati samin ni ate Deni, yung may-ari ng karinderya.
“Ayun magkakasama pa rin kami ate Deni pero naiba ako ng course. Ang sad,” napangiwi na lang si Shaira dahil siya lang yung naiibang course saming dalawa. Business Administation kasi kaming dalawa ni Lex samantalang Accountancy naman yung kinuha niya.
“Aw, pero okay lang yan kasi magkakasama naman ulit kayo sa iisang school diba?”
“Opo. Kami pa ba? Di kami mapaghihiwalay!” proud pang sabi ni Shaira.
“Kayong mga bata kayo, oh. Ganyan din ako nung kabataan ko,” napahinto si ate Deni na para bang nag-throwback muna sandali at bumalik bigla sa ulirat. “The usual order ba?”
Tumango kami, “Okay, coming up!” masiglang sabi niya at isinigaw ang orders naming tatlo.
Hindi basta-bastang karinderya ‘to kasi medyo classy at pinasosyal ‘tong karinderya. Kaya naman feeling ko nasa isang high-end resto rin ako. High school pa lang kaming tatlo, ito na ‘yung usual spot namin pagdating sa kainan.
“Same sched ba tayo tomorrow? Omg nabitin ako sa bakasyon. Pasukan na agad bukas, why?” nanlulumong sabi ni Lex.
“Yup, pero mahuhuli akong umuwi kasi may 1 hour pa akong subject every Monday,” agad namang sabi ni Shaira habang tinutuktok ng daliri yung lamesa.
Dumating yung waiter at sinerve sa lamesa namin ‘yung mga order namin. Smell pa lang, nakakagutom na.
“Here’s your order. Enjoy your meal.”
“Thanks,” sambit ko at saka tumingin sa pagkain namin. Woot! Gutom na ako!
Pagkatingin ko sa waiter, bigla siyang ngumiti sa akin at kumindat. Luh? Parang ngayon ko lang nakita ‘to ah. Bago kaya nina ate Deni? Alam kong maganda ako pero wag naman idaan sa kindat. Hard to get ako, ‘noh.
~
“Girls, samahan niyo naman ako please,” pakiusap sa amin ni Shaira.
Nakatambay kami ngayon sa cafeteria dahil vacant naming pare-pareho. Astig nga eh. Akala ko magkakaiba kami ng vacant. Nagngingitian samin ‘yung iba naming bagong kaklase. ‘Yung iba naman binabati kami dahil schoolmates namin ng high school.
