CHAPTER 5 : JACOB
Kate’s POV
“I’m home,” walang kagana-gana kong sabi.
“Oh, nakauwi ka na pala. Wait, bakit hindi mo papasukin ‘yung kasama mo? Aren’t they Shaira and Lex?”
“Ne, eomma.” [Yes, mom.]
“Bakit hindi mo papasukin?”
Aish. Kailangan ko ba talaga?
Lumabas ako at naabutang pasakay pa lang siya ng sasakyan niya. Paano ba naman kasi, kinukulit ako na hihintayin niya akong makapasok muna ng bahay bago siya umalis.
“Hoy! Galvez!”
Napatigil siya at napaharap sa akin, “Bakit?”
“Pasok kana muna. Eomma wants to see you.”
Gusto kong mainis kay eomma. Bakit kasi? Hindi ko naman siya friend. Aigoo.
“Finally, I’m going to meet your parents,” nakangising sabi niya. Inirapan ko lang siya at tumalikod. Sinundan niya ako papasok ng bahay.
Dama-dama din ‘tong Tyrone na ‘to eh, ‘noh. Meet my parents niya mukha niya.
“Eomma, i saram Tyrone-ssiyeyo.” [Mom, he’s Tyrone.]
Tyrone’s POV
Teka, ano daw? Minumura na ba nila ako nang hindi ko alam? ‘Yung naintindihan ko lang ‘yung pangalan ko eh pero may kadugtong.
Takang tumingin sa akin ‘yung mama niya.
“Kate, kayo na ba ulit?”
Teka, ano?! Ano’ng kami ulit?! Ngayon lang kami nagkakilala ah?!
Halatang gulat na gulat si Kate sa sinabi ng mama niya kaya naman alam kong papalag ‘to.
“MWO?!/WHAT?!” sabay naming sigaw ni Kate.
“Eomma?! Never magiging kami nyan!”
Haters ah? Haha!
“Ha? Naguguluhan ako—”
“Eomma, it’s not what you think. Okay? He’s not him.”
Ano’ng he’s not him? Hindi ako ‘yung tinutukoy nila? Eh, sino ba ‘yung tinutukoy nila?
Shaira’s POV
“Stress,” sabi ko sa sarili ko habang nag-aayos ng gamit sa bag at nang makauwi na. Gusto ko na talaga matulog.
“Uuwi ka na?” tanong sa akin ni King, classmate ko sa subject ko ngayon. Umiiwas ako sa kaklase kong ‘to kasi isa siya sa mga papalit-palit ng syota sa school at mukhang ako naman ‘yung target niya. Kadalasan puro madyodyoga ‘yung pinapatos niya eh, pero hindi naman ako dyoga ah?! Sakto lang naman, hindi flat.
“Oo,” matipid na sagot ko at saka isinukbit ang bag ko pero pinigilan niya ako. Hawak-hawak niya ‘yung braso ko.
Shit, gross!
“Ihatid na kita?”
Tinignan ko nang masama ‘yung kamay niyang nasa braso na para bang sinasabihan ko siya na huwag niya akong hahawakan. Nginisian niya lang ako. Aba’t makulit ‘tong manyak na ‘to ah?!
“No, thanks,” inis kong hinila ‘yung braso ko at akmang lalabas na ng room nang humarang siya sa pintuan.
“Pero wala namang magagalit kasi wala na kayo ni Raz, diba?”
Automatic na tumaas ‘yung kilay ko nang narinig ko ‘yung pangalan ng ex-boyfriend ko. At paano naman niya nalaman ‘yung tungkol kay Raz?! Kalalaking tao, ang tsismoso!
“So? Ano naman?”
