Kate’s POV
Gumising ako na mabigat ang ulo ko. Badtrip tsk! Ngayon pa yata ako magkakasakit.
Bumangon ako at dumiretso sa banyo. Ramdam ko ‘yung init ng katawan at mata ko. Agad akong naligo at nagtoothbrush, nagbihis at lumabas ng kwarto. Bumaba ako para mag-almusal.
Nakipagkwentuhan na muna ako sandali sa kanila at saka hinanda ang sasakyan. Papasok na sana ako ng kotse nang may magdoorbell.
Binuksan ko ‘yun at bumungad sa akin sina Shaira at Lex na nakauniform na rin. Pinapasok ko na muna sila.
“Oh, napadaan kayo?”
“Sus, hindi man lang bumati ng good morning?” taas kilay na sabi ni Lex.
“Oh, edi good morning. Papasok na kayo?” tanong ko.
“Hindi. Uuwi na kami. ‘Diba, Lex?” sabi ni Shaira sabay tingin kay Lex.
“Ah, oh sige. Babye,” sasakay na sana ako sa sasakyan ko nang magreact agad si Lex.
“Ah, ganon?”
“Joke. Tara, sakay na.”
Hinawakan ako ni Shaira para pigilan.
“Bakit namumula ka? May sakit ka ba?”
Agad kong binawi ‘yung kamay ko.
“Huh? Wala ah! Kung ano-ano napapansin niyo, tara na nga.”
“Ang aga-aga pa!” reklamo ni Lex.
“Coffee muna tayo. My treat,” yaya ni Shaira sa amin.
“Oh, tara na!”
Pumasok na kami sa kotse ko at nagdrive. Huminto kami sa isang coffee shop na madalas naming puntahan.
Nag-order na muna kami at nagkwentuhan. Nabanggit ni Shaira na pinaliwanag na ni Raz ang lahat sa kanya. Natuwa naman kami dahil dun.
“Eh, ang tanong. Eepal pa ba ‘yang Camille na ‘yan?” sabi ni Lex at humigop pa sa kape niya.
“Wala naman akong pakialam kung manggulo pa siya eh. Hindi na naman ako mangingialam sa kanila,” sagot ni Shaira.
“Sana maging okay na rin kayo, ‘no? Baka pairalin niya na naman ‘yung pagkamaldita niya eh,” sabi ko naman habang pinapaikot-ikot ang kutsarita sa kape. Nararamdaman ko ang pagpitik ng ulo ko dahil sa sakit. Pasimpleng napapikit na lang ako at humigop ng kape.
“Edi magmalditahan kami! Dejoke. Sana nga, magkaayos na rin kami ni Camille. Kahit ganun ‘yun, naging magkababata rin naman kami ‘nun, ‘no,” she let out a fanited smile. She really treasure her friends kahit na malabo sila ni Camille ngayon. I hope they’d be in good terms one of these days.
