Unexpectedly (revised)

1 1 0
                                    

Hi. I already unpublished the original one. This is the revised version of Unexpectedly. :)

- - - - -

Prologue.

“Ano’ng sense ng paghihintay ko sa kanya kung wala na siyang balak magpakita sakin? May promise-promise pang nalalaman, paasa naman pala.”

Napabuntong hininga na lang ako sa sinabi ko.

I’ve been waiting for him since the day he left me. It’s been two years pero wala pa rin akong balita tungkol sa kanya. Kung kamusta na ba siya, buhay pa ba siya or what. No texts, calls or chat, even email. Wala. Pero heto ako ngayon, waiting pa rin. Konti na lang talaga maiisip ko nang living martyr ako. Naghihintay sa taong di ko alam kung may balak pa ba siyang balikan ako dito.

“You don’t deserve to wait for a long time. Bakit hindi mo na lang tanggapin na pinaasa ka lang niya sa mga pangako niya at hindi na siya babalik?”

Halos atakihin ako sa puso nang biglang may magsalita sa likuran ko. Nakatayo siya sa likod ko habang nakaupo naman ako at nagmumuni-muni sa harap ng lawa. Malapit na rin mag-gabi kaya naman hindi na mainit dito sa pwesto ko. Pero masyado na ba akong occupied ng mga thoughts ko about him? I didn’t saw him coming.

“Jusko naman! Sino ka ba? Papatayin mo ba ko sa gulat?” inis na sabi ko. Sinundan ko siya nang tingin habang inaayos yung uupuan niya sa tabi ko.

“Sorry miss, nagsasalita ka kasing mag-isa dyan eh,” napakamot na lang siya sa ulo niya. Inirapan ko lang siya.

“Paki mo ba? Tss.”

Masyadong echusera ‘tong si kuyang naka-cap. Medyo hindi ko maaninag yung mukha niya dahil bukod sa malapit nang dumilim, natakpan pa ng anino ng cap niya yung mukha niya. Pa-mysterious si kuya. Feeling naman niya kamukha niya si Lee Min Ho. Disgusting, shet.

“Coffee?”

Napatingin ako sa kanya at bumaba yung tingin ko sa kamay niyang may hawak na canned coffee. Shet, yung favorite ko pa.

“Sorry, but my eomma said don’t accept anything from a stranger. Baka may lason pa yan eh.”

Nagkibit balikat lang siya at nilagay sa tabi niya yung kape. “Okay.”

Di man lang ako pinilit?! Bwisit na ‘to. Sayang masarap kasi yung coffee na yun. Che! Bahala na nga. Bibili na lang ako. Lamunin niya nang buo yan kasama lalagyan.

Pero sayang libre na yun eh.

“Napakadali mo namang kausap,” inis na bulong ko sa sarili ko. Walang consideration ‘tong si kuya. Kita nang nag-eemote ako kanina di pa ko pinilit. Nakita ko sa peripheral vision ko na napalingon siya sakin.

“May sinasabi ka miss?” napalingon din ako sa kanya at itinaas yung isang kilay ko.

“Sabi ko ang ganda ko! Makaalis na nga,” bwisit na sabi ko.

Nadistract tuloy ako sa pagmumuni-muni ko. Kainis! Gusto ko lang naman mapag-isa muna ngayon eh. Kasi ngayon yung eksaktong araw na iniwan niya ko.

Makabili na nga lang ng canned coffee.

“I’m Tyrone, by the way. Just in case na magkita ulit tayo, Kate Lynne.”

Napahinto ako dahil alam niya yung pangalan ko. Wtf?! Pagkalingon ko, wala na siya sa pwesto niya. Ano yun, nagteleport bigla?! Ano siya, multo?! Dafuq?!

UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon