Chapter 3

4 1 0
                                        

CHAPTER 3 : FINDING KYLE

Kate’s POV

“Oh, anong nangyari sa kamay mo?” tanong ko sa kanya habang nakaturo sa kamay niyang may benda.

“Katangahan ko lang yan,” walang ganang sabi niya.

“Eh saan ka galing? Tinatawag ka namin kanina, di mo man lang kami nilingon,” tanong naman ni Lex sa kanya.

She just shrugged her shoulders, “Nagpalamig lang.”

“Ano bang problema at nakasimangot ka dyan?” tanong ko habang nagbabasa ng notes sa Marketing subject namin.

“Kanina pa siya ganyan simula ‘nung dumating siya. Hays,” sabi naman ni Lex na mukhang naiirita na rin.

“Nakakainis lang kasi, bakit may mga taong saksakan ng yabang sa katawan. Akala mo kung sino. Nako! Pag nakita ko lang talaga ulit ‘yun, yari talaga siya sa akin!” galit na sabi ni Shaira. Sino naman kayang tinutukoy nito? Kahapon ang lungkot tapos ngayon galit.

“Ah talaga? At bakit naman ako mayayari?”

Napalingon kaming tatlo dahil may nakikinig pala na tae este tao sa likod namin.

“OMG!”

“He came for me!”

“Assumera ka girl!”

“Sino ka kuya?” tanong ko kay kuyang pogi nang bigla naman pasimpleng siniko ako ni Lex at pinandilatan ako. “What?” I mouthed.

Napatakip ng bibig si Lex as if naman na nagulat siya. “Oh my gosh—”

“Bakit ka nandito?!”

Napatigil si Lex sa late reaction niya habang gulat na tinignan ko si Shaira. Bakit naman ganyan reaksyon niya?

“Kilala mo siya, Shaira?” gulat na tanong ni Lex sa kanya.

“Tss, sino bang di makakakilala sa kanya?” iritadong sabi ni Shaira.

“OMG, so nakita mo pala nang personal si Nathaniel Carlos? I hate you, bakit di mo sinabi sa akin kanina?!”

Teka, I think I heard the name before…

Wait—teka siya yun?!

“Ikaw si Nathaniel Carlos?!?!?!” sabay naming sigaw ni Shaira habang gulat na napatingin sa kanya.

Shaira’s POV

Para kaming binuhusan nang malamig na tubig nang magsink-in sa amin ‘yung sinabi ni Lex. Siya si Nathaniel Carlos?

Did I just messed up with the wrong guy?! Oh no.

Si Nathaniel Carlos kasi ‘yung apo ng may-ari ng school slash dean dito sa kinatitirikan namin ngayon. Actually wala kaming idea kung sino man siya. Kilala lang namin siya by name since high school at ngayon lang namin siya nakilala nang personal. Hindi kasi siya dito nag-aral ng high school kaya naman ngayong college, he decided to be part of his family’s school.

“Bakit di mo man lang sinabi sa akin na ikaw ‘yung apo ng dean?! Aish, you should’ve told me!”

I really don’t know what to react. Feeling ko, I’m so mean para tratuhin siya nang ganun kanina. Paano kung ireport niya ako sa mga kamag-anak niya na ganon yung ugali ko? Baka maexpel ako! Oh my. Hindi ko naman alam eh.

“Then? Anong mapapala ko kung sabihin ko sayo? Rerespetuhin mo ako dahil apo ako ng dean? Hindi ko hahayaang maging malayo yung estado natin because I want you to see me as my real self.”

UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon