001

560 15 1
                                    

"Im Youngmin." Natahimik silang lahat nang tawagin ng guro nila si Youngmin na missing in action nanaman sa klase nila. Kalmadong binaba ng guro nila ang class record nito at inilibot ang tingin sa buong classroom.

"Hwang Chungha." Agad napatayo ang dalagang nakatirintas at may suot na makapal na salamin, siya ang presidente ng klase at alam na niya kung bakit siya tinawag ng guro nila.

"Nasaan si Youngmin?" Napalunok nalang ang dalaga dahil sa kabang nararamdaman niya. Oo siya ang presidente ng klase pero hindi naman din siya hanapan ng nawawalang estudyante.

"H-hindi ko po alam." Sagot ng dalaga. Napabuntong hininga nalang ang kanilang guro at hinilot ang sentido nito.

"Ms. Chungha gusto ikaw ang magbantay sa mga kinikilos ni Mr. Youngmin, naiintindihan mo ba ako?" Walang nagawa si Chungha kundi ang pumayag sa gusto ng kanilang guro. Sino ba naman kasi siya para umangal.

Inubsob nalang ni Chungha ang kanyang mukha sa desk niya matapos ang klase nila kay Ms. Park. Hindi niya alam kung saan niya hahanapin si Youngmin dahil unang una ay hindi naman sila close, isang unreachable si Youngmin dahil sa kasikatan nito sa buong school nila. Hindi nga rin niya alam kung alam ba nitong nageexist siya sa school nila.

Agad naman nilapitan ng mga kaibigan nila si Youngmin at inalo ito. "Huy Chungha, wag ka na mag-inarte. Si Youngmin na yun beshy, malay mo magkagusto din iyon sayo." Nakangising sabi ng kaibigan niyang si Somi, halos magulantang siya sa sinabi nito kaya agad niya itong nabatukan.

"Buti nga sayo." Natatawang sabi ni Sohye habang pinagtatawanan niya ang kaibigan niya. "Ano na ngayon ang balak mo Chungha unnie?"

Napayuko nalang ang dalaga dahil sa totoo lang hindi niya talaga alam ang gagawin niya. Hindi niya alam kung may galit ba sa kanya si Ms. Park at siya pa talaga ang personally na inutusan nito para bantayan si Youngmin.

"Bakit ba kasi ako ang trip ni Ms. Park eh." Bulong niya sa sarili niya habang nililibot niya ang buong school para mahanap si Youngmin. Sinacrifice niya ang oras niya sa pagbabasa ng wattpad para lang hanapin ang isang lalaking ayaw naman magpahanap.

Napaupo siya sa isang bench na nakaharap sa malaking field ng school nila. Pinagmasdan niya lang ang mga estudyanteng naglalaro at yung iba naman eh nagfafangirl sa mga naglalaro.

Isang ordinaryong estudyante lang naman si Hwang Chungha, wala siyang ginawa kundi ang mag-aral at mag-aral. Halos school bahay nga lang lagi siya kahit na madalas siyang inaaya ng mga kaibigan niya ay mas gusto parin niyang magkulong sa kwarto niya.

"Nasaan ka na ba kasi Im Youngmin." Bulong niya habang inaadjust niya ang makapal niyang salamin. Nanliit bigla ang mata niya nang maaninag niya ang isang lalaking may pulang buhok na may kahalikang babae sa isang gilid ng field.

Agad siyang napatalikod at naglakad palayo.

"Jusko naman ano ba naman yung nakita ko." Bulong niya sa sarili niya habang naglalakad palayo kung saan niya nakita si Youngmin at kung sino man yung babaeng nakita niya.

Hindi niya alam kung saan siya mag-uumpisa sa pagbabantay kay Youngmin kaya naman pag-uwing pag-uwi ay naglog in agad siya sa facebook niya at inadd ito.


Kim Chungha
Im Youngmin
Jeon Somi
Kim Sohye
Jung Chaeyeon
Justice league + BNM boys as themselves

As if it's your last | MXM • IYMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon