016

156 7 1
                                    

Im Youngmin
Active 1min ago

Youngmin: i'm on my way.

Seen

Buti nalang at tapos nang mag-ayos si Chungha nang magchat si Youngmin. Isang simpleng sunday dress at flats lang ang suot niya. Nakalugay din ang mahaba niyang buhok at wala rin siyang suot na salamin.

One of the days na hindi nakikita ang pagiging nerd ni Chungha. And Youngmin was lucky enough to see that.

Kinuha ni Chungha ang bag niya nasa coffee table nang marinig niya ang tunog ng sasakyan sa labas. Naabutan niyang nakasandal sa may pinto ng sasakyan si Youngmin habang nagcecellphone. Aaminin niyang sobrang gwapo talaga ni Youngmin kahit na nakashirt at ripped jeans lang ito.

Halos matulala naman si Youngmin nang makita niyang nasa harap na pala niya si Chungha. Hindi niya kasi akalain na ganito pala kaganda ang dalaga. "So saan ba tayo pupunta?" Tanong ni Chungha pero nakatulala parin si Youngmin kaya kinailangan pa niyang kurutin ang braso nito.

"Ah... ano... sa amusement park?" Nakangising sabi ni Youngmin.

Isa ang amusement park sa pinakagustong mapuntahan ni Chungha simula pagkabata niya, since laging busy ang parents nila and ang kuya naman niyang si Minhyun ay nasa Seoul at busy sa training [a/n: yep, imagine nasa Busan sina Chungha] kaya mas tinuon nalang niya ang sarili niya sa pag-aaral.

"Bakit biglaan kang nag-aya?" Bahagya lang napalingon sa kanya si Youngmin dahil nagdadrive ito, ngayon lang din niya nalaman na may sarili pala itong kotse.

"Bored lang, atsaka deal natin to diba?" Sagot ni Youngmin.

Wala pang isang oras ay nakarating na silang dalawa sa park, at hindi maitago ni Chungha ang sobrang excitement niya. "Ngayon ka lang ba napunta sa amusement park?" Natatawang tanong ni Youngmin pero napatigil siya sa pagtawa nang tumango si Chungha.

Hindi niya akalain na ganito pala ka-inosente si Chungha sa mga ganitong bagay. "Wala kasi lagi sila mommy tapos si kuya naman bata palang kami nung magpunta siya ng Seoul. Hindi ko nga ata naranasan maglaro kasama yung mga friends ko dahil mas ginusto kong mag-aral."

Nagulat syempre si Youngmin sa mga kinukwento ni Chungha habang nakapila sila sa mga rides. Hindi maubos ang mga kwento ni Chungha and Youngmin finds it too cute kaya hindi rin niya ito pinipigilan na magkwento.

At that very moment, pakiramdam ni Youngmin ay nakilala niya ang tunay na Chungha, ang masiyahin at madaldal na si Chungha.

They ended their day habang nakasakay sa ferry's wheel. Tahimik lang sila pareho nung una kaya si Chungha nanaman ulit ang nagbasag ng katahimikan.

"Alam mo ba..." napaangat ang tingin ni Youngmin kay Chungha. "Pinangarap ko ring maging idol katulad ni kuya Minhyun. Pero ayaw nila mommy. Past time ko rin ang pagsasayaw, I attended some academies pa nga kaso ayaw talaga nila mommy at ni kuya na pumasok ako sa showbiz kaya tinigilan ko narin ang pagsasayaw."

Tinitigan lang ni Youngmin si Chungha na nakatanaw sa malayo. Marami pa siyang hindi nalalaman tungkol sa babaeng kaharap niya ngayon, pakiramdam nga niya yung kasama niya ngayon eh hindi yung babaeng nagbuhos sa kanya ng tubig nung isang araw.

"Youngmin sobrang thank you sa pagdala sa akin dito." Nakangiting sabi ni Chungha kaya ngumiti at tinanguan nalang din siya ni Youngmin.

"Going out with her is not that bad at all."

As if it's your last | MXM • IYMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon