043

114 6 0
                                    

At ayun nga, nagkatotoo ang sinabi nila na 3am palang ay nakapila na sila para magbayad ng tuition. Hindi nila alam kung bakit ganito yung pamamalakad ng school nila at talaga alas tres ay kailangan mo nang pumila.

"Tangina besh, pang 1200 na tayo." Naiiyak na sabi ni Somi.

Pinagmasdan lang ni Chungha ang ibang students na halos makatulog na sa pila. Yakap yakap niya ang sarili niya dahil sa sobrang lamig.

Natigilan siya nang makita ni si Youngmin na nakasuot na gray na hoodie nakayuko ito kaya alam niyang hindi siya nakita nito.

Namimiss na niya si Youngmin, pero hindi rin niya alam kung ano ang naghohold back sa kanya para kausapin na niya ulit ito.

Nakasunod naman si Chaeyeon kay Youngmin. Napasmirk pa nga ito nang dumaan sila sa gilid nila Chungha, hindi tuloy maiwasan nina Sohye at Somi ang mapasimangot dahil kay Chaeyeon.

"Wala paring pagbabago.." naiiling na sabi ni Sohye habang pinagmamasdan si Chaeyeon na kinukulit ang badtrip nang si Youngmin. "Hindi na ako magugulat kung bigla nalang sapakin ni Youngmin si Chaeyeon." Dagdag pa nito.

"Ganyan ba talaga siya ka-baliw kay Youngmin? Grabe ha." Tinignan lang ni Chungha si Youngmin at napayuko siya. Aaminin niyang sobrang namimiss na niya si Youngmin kaso yung pride niyang pagkataas taas hindi niya kayang babaan.

"So Chungha, kailan mo balak kausapin si Youngmin?" Nagkibit balikat lang si Chungha at kinuha ang phone niya.

She decided na kausapin na nga si Youngmin dahil torture rin sa kanya na makita ito na kasama si Chaeyeon.

His face obviously lit up after reading her text. Napatingin pa ito sa kanya at ngumiti.

As if it's your last | MXM • IYMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon